DSWD Field Office VIII Magkakasunod na Ibinahagi ang Listahanan 3 Database sa mga Lokal na Pamahalaan ng Santa Fe, Leyte, Calubian, Leyte at Albuera, Leyte

DSWD Field Office VIII Magkakasunod na Ibinahagi ang Listahanan 3 Database sa mga Lokal na Pamahalaan ng Santa Fe, Leyte, Calubian, Leyte at Albuera, Leyte Nagpapatuloy sa pagbahagi ng pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan o Listahanan 3 database ang DSWD Field Office VIII. Nagkaroon ng paglagda ng Data Sharing Agreement at magkakasunod na pamamahagi ng nasabing database sa mga lokal na pamahalaan ng Santa Fe, Leyte, Calubian, Leyte at Albuera Leyte noong ika-5-7 ng Setyembre, 2023. Pormal na ibinigay ni Policy and Plans Division (PPD) Division Chief Ofelia Pagay, Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga at Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So ang electronic copy ng Listahanan 3 database sa municipal mayor ng Santa Fe, Leyte na si Hon. Amparo Monteza. Naroon din sa aktibidad ang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) na si Francis Louis Bedua. Tinanggap naman ng municipal mayor ng Calubian, Leyte na si Hon. Marciano Batiancela Jr., MSWDO Corazon Lerios at Administrative Aide Sheila Mae Cabalquinto ang Listahanan 3 database para sa lokal na pamahaalan ng Calubian, Leyte. Ibinahagi rin ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan sa lokal na pamahalaan ng Albuera, Leyte. Ito ay pormal na tinanggap nina MSWDO Maria Minerva Cubi, Municipal Administrator Mario Cubi, Community Affairs Officer I Merry Joy Mendiola at Administrative Aide III Brylle Anthony Chavez. Ang mga datos na nilalaman ng Listahanan 3 database ay maaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan upang magsilbing basehan sa pagpili nila ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap. Sa kasalukuyan, naipamahagi na ang Listahanan 3 database sa pitong (7) lokal na pamahalaan sa Rehiyon Otso. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3

HAPPENING: DSWD FIELD OFFICE VIII JOINS THE FISCAL YEAR 2023 DSWD-WIDE SURVEILLANCE AUDIT

HAPPENING: DSWD FIELD OFFICE VIII JOINS THE FISCAL YEAR 2023 DSWD-WIDE SURVEILLANCE AUDIT The Certifying Body, SOCOTEC Philippines, Inc. is currently conducting surveillance audit to the services of DSWD Field Office VIII. This audit is critical in validating the continued conformity of the DSWD’s Quality Management System to ISO 9001:2015 Standards as a testament to the agency’s commitment to provide efficient and effective services which addresses the needs of the clients. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD Field Office VIII Nagsagawa ng Consultation Dialogue Tungkol sa Listahanan Data Sharing sa Probinsya ng Eastern Samar

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang gamitin ang Listahanan database o ang pinakabagong Talaan ng Pamilyang Nangangailangan, nagsagawa ng Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang DSWD Field Office VIII sa Borongan City, Eastern Samar noong ika-1 ng Setyembre, 2023. Dinaluhan ng dalawampu’t lima (25) na mga Provinicial/City/Municipal Social Welfare and Development Officers (P/C/MSWDOs) sa probinsya ng Eastern Samar at ng kanilang mga kinatawan ang nasabing konsultasyon. Sa pagtitipon na ito, tinalakay ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga ng Listahanan ang tungkol sa mga Standard Operating Procedures (SOPs) ng Listahanan at ang mga mahahalagang dokumento na kinakailangang ma proseso upang maayos na maibahagi ang mga datos. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Consultation Dialogue na ito, inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa probinsya ng Eastern Samar.   Ang Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay pinagtibay noong 2010 sa bisa ng Executive Order No. 867, Series of 2010. Ito ay nakatutok sa pagtukoy ng mahihirap na sambahayan sa bawat lungsod at municipalidad. Kasama na rito ang partikular at pangunahing mandato nitong mabuo at maipamahagi ang datos nito para sa pagtukoy ng mga potensyal na benepisyaryo ng mga social protection programs ng gobyerno. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3

DSWD Field Office VIII Nagsagawa ng Consultation Dialogue Tungkol sa Listahanan Data Sharing sa Probinsya ng Samar

Nagsagawa ng Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang DSWD Field Office VIII sa Catbalogan City, Samar noong ika-10 ng Agosto, 2023. Dinaluhan ng 24 na mga City/Municipal Social Welfare and Development Officers (C/MSWDOs) sa probinsya ng Samar at ng kanilang mga kinatawan ang nasabing konsultasyon. “Mahalaga ang Listahanan database para sa pagpapatupad ng mga social protection programs and services sa mga lokal na pamahalaan,” sabi ni Division Chief ng Policy and Plans Division Ofelia Pagay sa kanyang pambungad na mensahe sa naturang aktibidad. Sa pagtitipon na ito, tinalakay ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga ng Listahanan ang mga mahahalagang paksa tungkol sa Listahanan kabilang ang mga Standard Operating Procedures (SOPs) nito at ang mga proseso at mga kinakailangang dokumento sa pag bahagi ng mga datos ng Listahanan. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga lokal na pamahalaan ng Samar na gamitin ang Listahanan database upang magsilbing basehan nila sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga benepisyaryo ng kanilang mga programang naglalayong iangat sa kahirapan ang mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Consultation Dialogue na ito, inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa probinsya ng Samar. Ang Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay isang proyekto ng ating pamahalaan sa tanggapan ng DSWD na naglalayong tukuyin kung sino at nasaan ang mahihirap sa buong bansa. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3

Alam Mo Ba Kung Ano Ang Listahanan?

Alam mo ba kung ano ang Listahanan? Tara’t ating alamin! Sa paggamit ng Listahanan 3, sama-sama nating nasisigurong bawat bahay ay magkakasama sa kaunlaran! Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: www.listahanan.dswd.gov.ph. Kilalanin ang mukha ng mahihirap na Pilipino sa www.listahanan.dswd.gov.ph/listahanan3/. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3