Nagpapatuloy ang DSWD Field Office VIII sa distribusyon ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa mga pamilyang nasiraan ng bahay dahil sa bagyong Odette. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng P191,115,000.00 sa 23,071 na mga benepisyaryo mula sa 27 na mga LGUs. Nakapagsagawa na ang DSWD FO VIII ng distribusyon ng ESA sa Sulat, Giporlos, Hernani, at Lawaan sa Eastern Samar, Palo, Ormoc City, Baybay City, Inopacan, Javier, Mahaplag, Matalom, at Hindang sa Leyte, Bontoc, Limasawa, Maasin City, Macrohon, Padre Burgos, Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Pintuyan, San Francisco, San Ricardo, Silago, at Sogod sa Southern Leyte. Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD at ang mga lokal na pamahalaan para maisagawa ang distribusyon ng ESA sa iba pang mga target na LGU. Para sa iskedyul ng distribusyon sa inyong munisipyo, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII Namahagi ng Relief Items sa Ormoc
Nagsagawa kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng distribusyon ng Food and Non-food relief Items (FNFIs) para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Ormoc City. Katuwang ang lokal na pamahalaan at ang Tingog Partylist, namahagi ang DSWD ng 130 na Family food Packs (FFPs), 65 na sleeping kits, 65 na family kits, at 130 na 6-liter mineral water. Dagdag dito, namahagi din ang lokal na pamahalaan ng Ormoc ng family food packs, shelter kits, hygiene kits, cooking utensils, at mga kumot. Maliban sa FNFIs, nauna nang nagbahagi ang DSWD FO VIII ng tulong-pinansyal para sa mga pamilyang ito. Umabot na sa P620,000.00 Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ang naipaabot ng ahensya. Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, limang kape, limang cereal energy drink, at sampung de lata. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII Ibinahagi ang Listahanan 3 Database sa Lokal na Pamahalaan ng Dagami, Leyte
Nagkaroon ng paglagda ng Data Sharing Agreement at pagbahagi ng Listahanan 3 database ang DSWD Field Office VIII sa lokal na pamahalaan ng Dagami, Leyte noong ika-21 ng Hunyo, 2023. Ibinahagi ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga at Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So ng Listahanan ang electronic copy ng Listahanan 3 database sa Municipal Mayor ng Dagami, Leyte na si Hon. Angelita Delusa. Naroon din sa aktibidad ang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) na si Jennylind Avila at Municipal Administrator Antonio del Pilar. Base sa pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, sa kabuuang 8,433 sambahayan na na-assess ng Listahanan sa Dagami, Leyte, 4,040 sambahayan o 47.91% sa mga ito ang napapabilang sa mahihirap. Ito ay katumbas ng 21,525 na mga indibidwal. Mahalaga para sa lokal na pamahalaan ng Dagami, Leyte na malaman kung sinu-sino at nasaan ang mga mahihirap na sambahayan upang ang datos na ito ay magsilbing basehan sa pagpili ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap. Para sa taong ito, naipamahagi na rin ang Listahanan 3 database sa lokal na pamahaalan ng Jaro, Leyte, Julita, Leyte, Javier, Leyte at Sustainable Livelihood Program ng DSWD Field Office VIII. Inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa rehiyon lalo na at nagsimula na ang ahensya sa pagsasagawa ng Listahanan Consultation Dialogues para hikayatin ang mga lokal na pamahalaan, pampubliko at pribadong ahensya na gamitin ang pinakabagong Listahanan database. Ang Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay isang talaan o information management system na tumutukoy kung sino at saan matatagpuan ang mga mahihirap na sambahayan sa buong bansa. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3
DSWD Field Office VIII Namahagi ng Relief Items sa Tolosa
Nagpaabot kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng food and non-food relief items sa mga naapektuhan ng sunog sa Tolosa, Leyte. Namahagi ang ahensya ng Family Food Packs (FFPs), sleeping kit, kitchen kit, family kit, hygiene kit at distilled water para sa dalawang pamilya at isang sharer. Namahagi din ang lokal na pamahalaan ng Tolosa ng bigas, mga de lata, mga gamit sa kusina, kumot, at sleeping mats. Maliban dito, nagpaabot din ang DSWD ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na tulong-pinansyal. Namahagi ang ahensya ng P10,000 para sa dalawang pamilya at P5,000 para sa isang sharer. Sa kabuuan, nakapamahagi ang ahensya ng P25,000. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa lokal na pamahalaan para sa mga pangangailangan nitong mga nasunugan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO VIII Namahagi ng P620K Financial Assistance sa Ormoc City
Nagbahagi ang DSWD Field Office VIII ng P620,000.00 na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Ormoc City. Nagsagawa kamakailan ang DSWD ng distribusyon sa Brgy. Libertad Gym, kung saan 62 na mga pamilya ang nakatanggap nitong tulong-pinansyal. Dagdag dito, namahagi din ang lokal na pamahalaan ng Ormoc ng family food packs, shelter kits, hygiene kits, cooking utensils, blankets. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa LGU para sa iba pang mga pangangailangan ng mga nasunugan. Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isang social safety net o isang stop-gap na mekanismo upang suportahan ang pagbangon ng mga indibidwal at pamilya mula sa hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, at iba pang sitwasyon ng krisis. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO VIII Home For Girls, Isa nang Center For Excellence
Kinilala ang DSWD Field Office VIII Home For Girls (HFG) bilang isang Center For Excellence matapos nitong makamit ang Level 3 Accreditation. Iginawad ng Standards Bureau ng DSWD Central Office ang nasabing accreditation matapos makapasa sa national standards ang FO8 sa limang work areas – Administration and Organization, Program Management, Case Management, Helping Strategies and Interventions, at ang Facility Management. Malaki ang maitutulong ng accreditation na ito sa mga kliyente ng HFG. Ayon kay HFG Center Head Delia Aguirre, “Hindi lang values at good grooming ang tinuturo natin dito sa HFG. Katuwang ang mga partners natin, katulad ng TESDA at mga non-government organizations, tinuturuan din natin ang ating mga residents ng basic life skills at mga income-generating projects at activities. Nagkaroon na tayo ng training para sa food preparation, at basic haircutting. Dahil sa accreditation na ito, inaasahan nating madadagdagan pa itong mga training. Dahil dito, magiging mas handa ang ating mga residents na mag-reintegrate sa komunidad. Makakatulong din ang accreditation na ito sa ating mga staff, mga houseparents, mga social workers, pati ang ating mga job order. Magkakaroon din ng dagdag na trainings para sa kanila.” Patuloy namang sinisigurado ng DSWD na patuloy ang pagbibigay nito ng dekalidad na serbisyo. Dagdag ni Aguirre, “nasa pinakamataas na level of standards na tayo. Kaya dapat nasu-sustain natin ito. Dapat i-maintain natin ang ating facility, ang ating mga training sa mga staff, at ang ating compliance sa limang work areas.” Isa ang HFG sa mga Centers and Residential Care Facilities ng DSWD dito sa Rehiyon 8. Nangangalaga ang HFG sa mga batang babae na edad 18 pababa na naging biktima ng pisikal o sekswal na pang-aabuso, illegal recruitment, at iba pang mga traumatic na pangyayari. Layunin ng HFG na mapagtagumpayan ng mga batang ito ang trauma sa pamamagitan ng regular counseling, group work sessions at iba pang mga therapeutic na mga aktibidad. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO VIII Namahagi ng Paunang Tulong sa mga Nasunugan sa Catbalogan City
Nagbahagi ang DSWD Field Office VIII ng paunang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. 13, Catbalogan City. Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Catbalogan sa pangunguna ni Mayor Dexter Uy, nakapamahagi ang DSWD ng 48 na hygiene kits, 48 kitchen kits, 38 family kits, at 48 sleeping kits. Bukod dito, namahagi din ang lokal at probinsyal na pamahalaan ng food packs at iba pang relief items. Samantala, nagsagawa din ng inspeksyon si DSWD FO8 Regional Director Grace Subong sa mga naka-preposition na relief items sa nasabing siyudad. Ang prepositioning ay isang paghahanda laban sa mga bagyo at iba pang sakuna, kung saan nag-iimbak ang ahensya ng mga relief items, lalo na ng Family Food Packs, sa mga lugar na madalas maapektuhan ng bagyo. Sa pamamagitan nito, mas mapapabilis ang pagresponde ng DSWD sa mga nangangailangan sa panahon ng sakuna. Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng Catbalogan City para sa pangangailangan nitong mga naapektuhan ng sunog. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD