DSWD Field Office VIII Nakapamahagi na ng P155M Odette ESA

Patuloy ang DSWD Field Office VIII sa pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance (ESA) sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pinakahuling tala ngayong Hunyo, nakapamahagi na ang ahensya ng P155,245,000 sa 18,625 na mga benepisaryo mula sa 25 na mga munisipyo at syudad. Nakapamahagi na ang DSWD ng ESA sa Sulat, Giporlos, Hernani, at Lawaan sa Eastern Samar; Palo, Ormoc City, Baybay City, Inopacan, Javier, Mahaplag, Matalom, at Hindang sa Leyte; Limasawa, Maasin City, Macrohon, Padre Burgos, Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Pintuyan, San Francisco, San Ricardo, Silago, at Sogod sa Southern Leyte. Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD at ang mga lokal na pamahalaan para maisagawa ang distribusyon ng ESA sa iba pang mga target na LGU. Para sa iskedyul ng distribusyon sa inyong munisipyo, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan. Ang ESA ay isang tulong-pinansyal na ibinabahagi para sa mga pamilyang nasiraan ng bahay dulot ng sakuna. Nagkakahalaga ang ESA para sa bagyong Odette ng P10,000 para sa mga may fully-damaged houses at P5,000 para sa mga may partially-damaged houses. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD Field Office VIII Nagsagawa ng Consultation Dialogue Tungkol sa Listahanan Data Sharing

Nagsagawa ng Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang DSWD Field Office VIII sa Tacloban City noong ika-8 at 9 ng Hunyo, 2023. Dinaluhan ng mga Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWDOs) sa probinsya ng Leyte at ng kanilang mga representante ang unang araw ng Consultation Dialogue. Samantala, dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang National Government Agencies (NGAs) at Non-Governmental Organizations (NGOs) ang ikalawang araw ng nasabing konsultasyon. Sa pagtitipon na ito, tinalakay ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga ng Listahanan ang mga mahahalagang paksa tungkol sa Listahanan kabilang ang mga Standard Operating Procedures (SOPs) nito at ang mga proseso at mga kinakailangang dokumento sa pag bahagi ng mga datos ng Listahanan. Layunin ng aktibidad na ito na hikayatin ang mga lokal na pamahalaan, pampubliko at pribadong ahensya na nagpapatupad ng mga programa at serbisyong panlipunan na gamitin ang Listahanan database upang magsilbing basehan nila sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga benepisyaryo. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Consultation Dialogues, inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa rehiyon. Ang Listahanan ay isang proyekto ng DSWD na naglalayong kilalanin at tukuyin kung sinu-sino at nasaan ang mga mahihirap sa bansa. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3

DSWD SHIELD Against Child Labor, Nagsagawa ng Information Drive sa World Day Against Child Labor

Ano ang mga karapatan ng mga bata? Ano ang mga batas na ipinatupad para sa kanilang proteksyon? Gaano kahalaga ang edukasyon? Ilan lang ito sa mga paksang tinalakay ng DSWD Field Office VIII sa isinagawang World Day Against Child Labor. Nagsagawa ang DSWD FO VIII ng isang educational puppet show, kung saan itinuro sa mga bata at sa kanilang mga magulang ang mga karapatan ng kabataan at ang iba’t-ibang mga batas laban sa child labor. Pinangunahan ito ng SHIELD Against Child Labor na programa ng DSWD, kasama ang Regional Sub-committee for the Welfare of Children, Eastern Visayas State University Internationalization Office, DepEd, DOLE, Plan International, DA, DENR, TESDA, PNP, NBI, DOH, Save The Children, NEDA, PSA, at PIA. Maliban sa puppet show, namahagi din ang mga ahensya ng mga information kits at iba pang mga babasahin. Ang SHIELD (Strategic Helpdesks for Information, Education, Livelihood and Other Developmental Services) Against Child Labor ay isa sa mga proyektong ipinapatupad ng DSWD. Layunin nitong maging malaya ang mga kabataan mula sa child labor sa pamamagitan ng pagbibigay ng “holistic and immediate interventions” sa mga komunidad. Kasama sa mga interventions na ito ang rescue and recovery, health services, educational assistance, counseling, skills training, financial assistance, legal facilitation, livelihood skills development, capital assistance at iba pa. Isa ang Region VIII sa mga napili bilang pilot areas kung saan ipinatupad ang SHIELD. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD FO8 Nakikiisa sa Laban Kontra Child Labor

Nakiisa ang DSWD Field Office VIII sa paggunita ng World Day Against Child Labor, na may temang “Buong bansa, lahat ng bata, sama-sama para sa Batang Malaya!” Kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya, nagpahayag ng suporta ang DSWD FO8, sa pangunguna ni Regional Director Grace Subong, sa paglaban sa Child Labor sa pamamagitan ng isang Pledge of Commitment sa implementasyon ng Philippine Program Against Child Labor Strategic Framework. Binigyang-diin ni Director Subong ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t-ibang mga ahensya para labanan ang child labor. “Ang tanong ngayon, paano natin matutuldukan ang child labor? Inatasan tayo ng gobyerno na isulong ang karapatan ng mga kabataan, kaya gumawa tayo ng Regional Council Against Child Labor kasama ang ating mga partner agencies. Hindi nag-iisa ang DSWD sa pagpapatupad ng serbisyo at programa para sa welfare ng mga kabataan. Kasama natin ang ating mga partners, mga stakeholders, at ang pribadong sektor. Nakikinig at nakikita nila kayo. Kaya hindi tayo mapapagod sa pagsuporta sa kung ano man ang ikabubuti ng sitwasyon ng mga kabataan.” Sa pangunguna ng Protective Services Division, pinapangalagaan ng DSWD FO8 ang karapatan ng mga kabataan, kasama ang mga child laborers. Samantala, patuloy namang ipinapatupad ang iba’t-ibang mga programa para labanan ang kahirapan na kadalasang nagiging sanhi ng child labor. Kasama sa mga programang ito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program (SLP), Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at iba pa. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Dalawang Senior Citizen Centers sa Leyte, Accredited na ng DSWD

Iginawad ng DSWD Field Office VIII kamakailan ang accreditation para sa dalawang Senior Citizen Centers sa Palo, at sa Burauen. Sa pangunguna nina DSWD FO VIII Regional Director Grace Q. Subong, Assistant Regional Director for Operations Natividad Sequito, at Policy and Plans Division Head Ofelia Pagay, iginawad ang accreditation na ito sa mga kinatawan mula sa nasabing mga munisipyo, bilang pagkilala na kumpleto at nakapasa sa national na standards ang mga centers na ito. Ang Senior Citizen Center ay isang gusaling ipinapatayo ng mga Local Government Units para maging tagpuan ng mga senior citizens. Maaari itong gamitin para sa iba’t-ibang mga aktibidad tulad ng mga pagpupulong ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA). Ayon kay DSWD FO VIII Standards Section focal Ma. Reyschel Balase, “Ang tungkulin ng ahensya ay hikayatin ang mga LGU at magbigay ng technical assistance para makamit nila ang accreditation. Para ma-accredit, tinitingnan natin na kumpleto itong mga Centers. Dapat eksklusibo ang center para sa mga senior citizens lamang. Tinitingnan din natin ang pisikal na features ng gusali at sinisiguradong angkop ito para sa ating mga senior citizens. Dapat may receiving area, may conference room, activity area, kitchen area, at hiwalay na mga palikuran para sa mga babae at lalaki. Dapat accessible ito para sa mga senior citizens na persons-with-disabilities (PWDs). Dapat may ramp para sa wheelchair. Kapag kumpleto ang lahat ng mga requirements, maaari nating i-endorse ang mga Centers na ito sa Central Office para ma-inspect at ma-accredit sila.” #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD FO VIII Nakiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Nakiisa ang DSWD Field Office VIII sa paggunita ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang kawani at mga kliyente ng ahensya mula sa tatlong lokasyon – sa Field Office, sa Centers and Residential Care Facilities sa Palo, at sa Regional Rehabilitation Center for Youth sa Tanauan. Kasama din sa pagsasanay ang pagresponde sa mga aksidente, pag-rescue at first aid, at pag-apula sa sunog na maaaring mangyari dahil sa lindol. Ang NSED ay isang pagsasanay na ginagawa bilang paghahanda sa lindol. Isinasagawa ito bawat quarter ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, mga Local Government Units, at mga pribado at mga non-government na organisasyon. Layunin nitong masanay ang lahat ng mga kalahok sa mga dapat gawin kung lumindol. Kasama dito ang pagsasagawa ng Duck, Cover and Hold. Kapag lumindol, dapat dumapa (duck), maghanap ng matibay na masisilungan (Cover), at maghintay na matapos ang lindol (Hold). Kasama din sa pagsasanay na ito ang maayos na pag-evacuate. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD FO-8 4Ps is National PRAISE Best Operations Office’s finalist

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) wins second place for the Best Operations Office during the recently conducted National Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Awarding Ceremony at the Landbank of the Philippines Plaza, Malate, Manila. Regional Director Grace Subong, Assistant Regional Director for Administration Clarito Logronio, and the Division Chief of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program Management Office received the award for the Region. Over the years, the program remains steadfast to deliver its mandate to the 286,831 target households it serves. Despite the limitations, challenges, and dynamically changing needs of the communities, convergence with partner Local Government Units, National Government Agencies, and Civil Society Organizations have been strengthened to produce meaningful outcomes in the hope of guiding the beneficiaries in achieving a self-sufficient level of well-being, harnessing the strengths of individuals, families, and communities to build their capacities and skills matched with available opportunities and resources, and sustaining the gains of the program. Responsive innovations and strategies have also been installed to match existing systems and procedures. The annual PRAISE or Program on Awards and Incentives for Service Excellence recognizes exemplary employees of the department. It is designed to encourage creativity, innovativeness, efficiency, integrity, and productivity in public service by recognizing and rewarding officials and employees for their contributions to the improvement of government operations. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD