DSWD CAR at Region 1, Nag-augment ng FFPs sa Eastern Visayas

Dumating na sa DSWD Eastern Visayas ang 2,300 na dagdag na Family Food Packs (FFPs) para sa patuloy na relief operations nito para sa bagyong Odette. Gamit ang C-130 transport plane ng Philippine Air Force, ang nasabing FFPs ay isinakay mula sa DSWD CAR at Region 1 papuntang Region VIII bilang relief augmentation para sa mga biktima ng bagyo.

Katuwang naman ang Philippine National Police at ang Philippine Army, maayos … Click here to read more...

DSWD at mga Partner na Ahensya, Tulong-tulong sa Transportasyon ng FFPs

“Sa lupa, sa karagatan, at kung hindi na kaya sa lupa, sa himpapawid.”

Sa ganitong paraan, sinisigurado ng DSWD Eastern Visayas na makararating ang mga Family Food Packs at mga Non-Food Relief Items nito sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Odette.

Nagpapasalamat ang DSWD sa mga naging katuwang nito sa transportasyon nitong mga relief items, katulad ng mga Local Government Units, ang Office of Civil Defense, ang Philippine Army, Philippine … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Nagturn-over ng 300 na Rolyo ng Laminated Sacks sa Southern Leyte

Nag-turnover kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 300 na rolyo ng laminated sacks sa probinsya ng Southern Leyte. Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DSWD Secretary Rolando Bautista na mabigyan ang mga pamilyang nawalan o nasiraan ng bahay ng mga materyales na maaring gamitin bilang pansamantalang tirahan.

Sa pagtutulungan ng DSWD National Resource and Logistics Management Bureau at ng DSWD Field Office V, nakarating ang mga laminated … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Nakapag-Release na ng 100K FFPs sa Odette Relief Operations

Umabot na sa 101,544 na Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng DSWD Eastern Visayas sa patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette. Kasama sa mga nabahagian ng FFPs ang 19 na Local Government Units sa Southern Leyte, at ilang mga munisipyo sa Leyte at Eastern Samar.
Umabot na sa P57,008,251.63 ang halaga nitong mga FFPs.

Maliban sa mga FFPs, nakapamahagi na rin ang … Click here to read more...

DSWD Namahagi ng Non-Food Items para sa Nawalan ng Tirahan sa Dulag

Namahagi ang DSWD Eastern Visayas ng non-food relief items (NFI) sa 32 na mga pamilyang tuluyang nawalan ng tirahan sa Dulag, Leyte. Kasama dito ang mga nakatira sa dalampasigan na nawalan ng tirahan dahil sa storm surge na dulot ng bagyong Odette.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng hygiene kit, sleeping kit at kitchen kit. Maliban dito, nag-release din ang DSWD ng 1,000 na Family Food Packs (FFPs) para sa mga … Click here to read more...

DSWD Namahagi ng FFPs para sa mga Nawalan ng Tirahan sa Inopacan

Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pagsasagawa ng relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette. Kamakailan, sama-sama ang mga kawani ng DSWD mula sa iba’t-ibang programa katulad ng Disaster Response Management Division at Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pamamahagi ng Family Food Packs sa Inopacan, Leyte.

Nakapamahagi ng 205 na FFPs ang ahensya sa initial na distribusyon para sa mga pamilyang tuluyang nawalan ng tirahan (totally-damaged houses) … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Namahagi ng FFPs sa Bato, Leyte

“Nagpapasalamat ako dahil dumating dito sa amin ang mga relief goods. Malaking bagay talaga ito sa amin na mga nasalanta ng bagyong Odette.” Ito ang pahayag ni Nanay Rosita, isa sa mga nakatanggap ng Family Food Packs mula sa DSWD Eastern Visayas.

Nagsagawa kamakailan ang DSWD ng distribusyon ng FFPs sa Bato, Leyte, kung saan nakapamahagi ng halos 500 na FFPs sa initial na distribusyon.

Bahagi ito sa patuloy na … Click here to read more...