DSWD namahagi ng FFPs sa Matalom

Namahagi ng Family Food Packs (FFPs) ang DSWD Eastern Visayas sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette sa Matalom, Leyte. Katuwang ang Local Government Unit, nakapamahagi ang DSWD ng 941 na FFPs sa isinagawang initial na distribusyon.

Sa kabuuan, nakapag-release na ang DSWD ng 60,838 na FFPs sa buong rehiyon. Kasama dito ang 19 na LGUs sa Southern Leyte at iba pang mga munisipiyo na nagtamo ng pinsala dulot ng … Click here to read more...

19 Southern Leyte LGUs , Nakatanggap na ng DSWD FFPs sa Ongoing Relief Operations

Patuloy ang isinasagawang relief operations ng DSWD Eastern Visayas para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pinakahuling tala (Dec. 22, 11 PM), nakapamahagi na ang ahensya ng 34,089 na Family Food Packs (FFPs) na nagkakahalaga ng P17,438,186. Kasama dito ang 19 na mga LGUs sa probinsya ng Southern Leyte.

Silago 2,358 FFPs
Hinundayan 3,727
Hinunangan 3,500
St Bernard 1,500
Sogod 1,300
Maasin 1,500
Liloan 1,800
Limasawa 2,000
Macrohon 1,000 … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Patuloy ang Paglikom ng Datos sa Epekto ng Bagyong Odette

Patuloy ang paglikom ng DSWD Eastern Visayas ng kritikal na impormasyon mula sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Odette. Dahil sa kawalan ng kuryente at ng signal, nagpadala ang ahensya ng mga kawani nito mula sa Disaster Response Management Division (DRMD) at mula sa ibang mga programa upang bumisita sa mga munisipyong ito.

Sa panahon ng mga sakuna, mahalaga ang tamang impormasyon upang malaman kung gaano kalawak ang pinsalang idinulot … Click here to read more...

DSWD Naghatid ng FFPs Gamit ang Black Hawk Helicopters ng Air Force

Nagtutulungan ang DSWD Eastern Visayas at ang Philippine Air Force upang maiparating ang mga Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang apektado ng bagyong Odette. Gamit ang Sikorsky S-70 Black Hawk na mga helicopter, mabilisang nakapagpadala na ang DSWD ng mga relief items sa mga lugar na mahirap pasukin ng mga ground vehicles, katulad ng Limasawa, San Ricardo, Padre Burgos at Pintuyan.

Sa pinakahuling tala (Disyembre 22, 12NN), nakapag-release na … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Continues FFP Production for Odette Relief Operations

DSWD Eastern Visayas continues the production of its Family Food Pack (FFPs) as part of the agency’s relief efforts to typhoon Odette. DSWD staff from various programs, its Quick Response Team (QRT), as well as volunteers work in shifting schedules to produce FFPs to be able to respond to requests from disaster-affected Local Government Units.

As of December 20, DSWD has a stockpile of 12,556 FFPs stored in various strategic … Click here to read more...

DSWD, NDRRMC, Nagtutulungan sa Odette Relief Operations

Nakipag-ugnayan ang DSWD Eastern Visayas sa iba’t-ibang mga ahensya na miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang makarating ang mga Family Food Packs (FFPs) nito sa mga pamilyang apektado ng bagyong Odette. Sa tulong ng mga partner na ito, katulad ng Office of Civil Defense, Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine National Police, at iba pa, mabilis na naipapadala ang mga relief items, kahit mayroong mga … Click here to read more...

DSWD Nagsimula na sa Odette Relief Operations

Nagsimula na ang DSWD Eastern Visayas sa inisyal na pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette.

Sa pinakahuling tala ngayong Disyembre 20, nakapag-release na ang ahensya ng 18,208 na FFPs. Kasama dito ang 1,000 FFPs sa Dulag, 2,500 sa Tacloban City, 2,108 sa Silago, 2,100 sa Hinundayan, 3,100 sa Hinunangan, 1,000 sa Saint Bernard, 2,400 sa Sogod, 1,000 sa Maasin City, 1,000 sa … Click here to read more...