Naipamahagi na sa Dolores, Eastern Samar ang kabuuang 1,897 family food packs, bilang tugon sa mga pamilyang apektado ng bagyong “Enteng.” Tuloy-tuloy naman ang koordinasyon ng ahensya sa iba pang lokal na pamahalaang apektado, upang matiyak na sapat ang tulong para sa mga nangangailangan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Patuloy ang monitoring at pakikipag-ugnayan ng DSWD Field Office VIII sa LGUs
Sa mga oras na ito ay patuloy pa rin ang monitoring at pakikipag-ugnayan ng DSWD Field Office VIII, sa pamamagitan ng Quick Response Team na pinangungunahan ni Regional Director Grace Subong,para sa mga kakailanganing augmentation at tulong mula sa mga apektadong local government units o munisipalidad dulot ng Tropical Storm Enteng. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Produksiyon ng Family Food Packs Pinangunahan ng DSWD FO VIII Regional Director
Pinangunahan ni Regional Director Grace Subong ang produksiyon at repacking ng Family Food Packs ngayong araw, Setyembre 7, sa Regional Resource Operations Center ng DSWD. Kaugnay nito, nasa 36,851 family food packs at 468 non-food items na ang kabuoang naipamahagi ng ahensiya sa iba’t ibang munisipalidad ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran, ang continue reading : Produksiyon ng Family Food Packs Pinangunahan ng DSWD FO VIII Regional Director
DSWD FO VIII Namahagi ng FFPs sa Santa Margarita, Samar
TIGNAN: Sa kasalukuyan,nasa 1,229 Family Food Packs ang naipamahagi sa mga pamilyang apektado ng Tropical Storm “Enteng” sa munisipalidad ng Santa Margarita, Samar. Patuloy pa rin sa koordinasyon at monitoring ang ahensiya upang matiyak na agarang maihahatid ang tulong sa mga naapektuhan ng nasabing Tropical Storm. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD photo credits: DSWD MAT Santa Margarita
DSWD Field Office VIII releases FFPs for Northern Samar
The DSWD Field Office VIII released the 1600 family food packs to LGU Rosario, and 649 to LGU San Jose at the OCD Warehouse, Brgy. Sabang, Allen, Northern Samar. These Family Food Packs are the agency’s augmentation to the LGUs for the ‘Enteng’-hit families. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Produksyon at repacking ng Family Food Packs, Nagpapatuloy
Ngayong Sabado, Setyembre 7, 2024, patuloy pa rin ang isinasagawang produksyon at repacking ng Family Food Packs bilang augmentation ng DSWD sa kakailanganing tulong ng Local Government Units (LGUs) sa pagtugon sa epekto ng Tropical Storm “Enteng” at ng Southwest Moonsoon sa rehiyon. Sa kasalukuyan, nasa 34,602 family food packs at 468 Non-food items ang continue reading : Produksyon at repacking ng Family Food Packs, Nagpapatuloy
DSWD Field Office VIII patuloy ang pamamahagi ng FFPs sa Oras, Eastern Samar
DSWD Field Office VIII, patuloy ang pamamahagi ng family food packs (FFPs) para sa mahigit 5,000 pamilyang apektado ng Tropical Storm “Enteng” sa Oras, Eastern Samar. Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 2,140 FFPs ang naipamigay. Patuloy rin ang koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan para sa mga relief augmentation na kinakailangan. Para continue reading : DSWD Field Office VIII patuloy ang pamamahagi ng FFPs sa Oras, Eastern Samar