DSWD FO VIII Patuloy ang isinasagawang relief operations sa Northern Samar

TINGNAN: Patuloy ang isinasagawang relief operations ng DSWD Eastern Visayas sa probinsya ng Northern Samar katuwang ang LGU’s ng San Vicente at Lavezares. Ito ay bahagi ng karagdagang tulong ahensya sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Enteng.

Hanggang ngayon nagpapatuloy ang koordinasyon ng departamento sa mga lokal na pamahalaan upang masigurado na mabibigyan ng tama at sapat na tulong ang bawat pamilyang apektado.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Click here to read more...

DSWD FO VIII Nag-preposition ng FFPs sa Daram

Tingnan: Pagdiskarga ng 1500 Family Food Packs (FFPs) sa LGU Daram, Samar.

Bilang paghahanda laban sa anumang sakuna o bagyo, palaging sinisigurado ng DSWD Field Office VIII na mayroong sapat na Family Food Packs ang naka-preposition sa ibat-ibang strategic na lokasyon dito sa rehiyon.

Ang prepositioning of goods ay isang pamamaraan ng ahensya upang masigurado na laging may naka-antabay na tulong kung sakaling mangailangan ng agarang responde ang mga lokal … Click here to read more...

DSWD Field Office VIII nagpreposition ng FFPs sa Sulat, Eastern Samar.

DSWD Field Office VIII nagdiskarga ng 700 Family Food Packs (FFPs) bilang prepositioning sa Sulat, Eastern Samar.

Ang prepositioning of goods ay isa sa mga pamamaraan ng ahensya upang paigtingin ang disaster preparedness measures at mabigyan ng agarang responde and bawat LGU sa anumang uri ng kalamidad na maaaring tumama sa atin.

Patuloy din ang paalala ng ahensya na bawal ang pagbebenta, pagbili at sapilitang pagkuha ng mga relief goods … Click here to read more...

DSWD Field Office VIII delivers FFPs to LGU San Vicente

DSWD Field Office VIII delivers 1,578 family food packs to LGU-San Vicente at the OCD Warehouse in Allen, Northern Samar. These Family Food Packs are the agency’s augmentation to the LGUs for the ‘Enteng’-hit families. While the remaining 807 FFPS will be delivered next week for additional support.

Over-all, DSWD has successfully provided 28,655,260.10 humanitarian assistance to the affected provinces.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Click here to read more...

Magtanim Ay Di Biro

Hindi nga biro ang isinagawang pagtatanim ng tatlumpung-isang (31) benepisyaryo mula sa Brgy. Sabang, Oras Eastern Samar. Ni-resiklo nila ang mga bao ng niyog bilang taniman ng mga gulay at malikhaing binuo ang pangalan ng kanilang barangay gamit ang mga kawayan na nagsilbing bakod ng kanilang mga pananim.

Ilan sa mga halamang gulay na naitanim ng mga benepisyaryo ay ang sitaw, pechay, talong, okra, at gabi na patuloy na tumutulong … Click here to read more...

DSWD FO VIII Namahagi ng FFPs sa Victoria, Northern Samar

Naipamahagi na rin sa Victoria, Northern Samar ang family food packs para sa 2,020 pamilyang apektado ng Bagyong “Enteng” bilang ugmentasyon ng DSWD Field Office VIII sa lokal na pamahalaan. Katuwang ng Angels in Red Vests ang Municipal Social Welfare and Development (MSWDO) at Local Government Unit (LGU) staff sa distribusyon.

Antabayanan ang iba pang relief operation updates dito sa DSWD Eastern Visayas Facebook Page.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Click here to read more...

DSWD FO VIII Patuloy ang distribusyon ng FFPs sa San Jose, Northern Samar

Patuloy ang distribusyon ng family food packs (FFPs) sa San Jose, Northern Samar, isa sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong “Enteng.” Humigit-kumulang 1,715 family food packs ang kasalukuyang ipinapamahagi ng mga Angels in Red Vests, katuwang ang Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), at Barangay Local Government Unit (BLGU). Ito ay bilang ugmentasyon ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng San Jose.

Antabayanan ang iba pang relief operation updates … Click here to read more...