TINGNAN: Katuwang ang lokal na pamahalaan, nagsagawa ang DSWD Field Office 8 ng Food Redemption sa Jaro, Leyte bilang bahagi ng Walang Gutom Program. Sa kabuaan, 294 na mga benepisaryo ang nakapag-redeem gamit ang kanilang mga Electronic Benefit Transfer (EBT) Cards.
Bahagi ang redemption na ito sa patuloy na implementasyon ng DSWD FO8 sa Walang Gutom Program. Ngayong Marso, layunin ng programa na makatulong sa 11,589 na mga benepisaryo.