Magandang umaga at manigong bagong taon sa inyong lahat ! Happy New Year ! One more time, sabay-sabay natin isigaw ang … Happy New Year ! Okey, iyan ang POWER, at ang lakas na ito ay nakasalalay sa ating mga kamay. Hindi sa ibang tao, kundi sa ating sarili. Ito ay nagagawa sa positibong pag-iisip, ng magandang pananaw sa buhay. Diyan tayo dapat huhugot para anuman ang hadlang o mga pagsubok, gagawin at gagawin pa rin natin ang lahat, para marating ang ating gustong makamtan.
Pangatlong araw palang tayo ng 2018, unang araw ng pasukan sa opisina, at sana bitbit niyo sa inyong mga puso ang mga NEW YEAR RESOLUTIONS. Ano ba ng inyong mga pangako na gagawin sa inyong sarili o hindi na gagawin sa buhay, simula sa taong ito ? Alam ko mahirap maipatupad, ngunit anuman ang pagbabago. . . anuman ang kabutihan, lalo na para sa bayan, ay makapagbibigay ng halaga naman sa ating pagkatao.
Ang ating opisina ay meron din sinumpaan sa taong bayan. Sa administrasyon ng bagong Presidente, si Presidente Duterte, binabago natin ang mukha ng ating ahensiya. Noong hindi pa na – install ang ating Presidente, sa kanyang campaigns for President, ang kanyang tagline o pambato ay wika nga, “Change is coming !” At heto nga, maraming mga reporma ang mga nangyayari sa iba’t – ibang departamento, kasama na ang DSWD.
Sa pagpatupad ng pagbabago ng national government, ang DSWD ay kinakailangan panindigan ang bago nitong mukha. Ano itong mga mensaheng gusto natin ipaalam sa mga tao ? Ang bagong DSWD ay may TUNAY NA MALASAKIT PARA SA MAHIHIRAP. Ang bagong DSWD AY PARA SA NAKAKARAMI. Ang bagong DSWD ay may MAAGAP AT MAPAGKALINGANG SERBISYO SA MAMAMAYAN. At eto pa … ANG INYONG LINGKOD DSWD, MAASAHAN SA ORAS NG KAGIPITAN AT KALAMIDAD.
Tanong ko, ano ang ang maari natin gawin para maisakatuparan ang lahat na ito. Taong 2018 na, panahon na para tayo mag – move on. Huwag natin balikan ang mga negatibong dating gawi, kundi mag-reflect o mag-isip tayo kung ano ang dapat gawin para lalong mapabuti tayo sa mata ng tao at mata ng Diyos.
Maging mas maagap tayo sa trabaho, walang pinipiling tinutulungan, may puso sa mga naghihirap, at laging handa panahon ng emergency.
Sa inyong lahat, maraming salamat sa inyong mga naitulong ng nakaraang taon. Inaasahan ko na itong bagong taon, mas mahusay at malakas pa ang ating samahan para sa ikabubuti ng ating kapwa, ng ating bayan, at ating sarili.
Magandang umaga muli sa inyong lahat ! #