PAALALA: Mahigpit na kinukundena ng DSWD ang paggamit ng emergency subsidy sa mga maling gawain tulad ng pagsabong at pagbili ng droga.

Muling pinapaalala na ang emergency subsidy mula sa Social Amelioration Program ay ibinabahagi sa mga mahihirap na pamilya upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at gamot sa panahon ng krisis.