Ayon kay Hon. Guillermo Jumamil Jr, Local Chief Executive ng Victoria, Northern Samar, malaki ang tulong ng DSWD sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP) upang matugunan ang araw araw na pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya sa gitna ng krisis.
Sa ngayon ay naghahanda ang lokal na pamunuan ng Victoria sa distribusyon para sa waitlisted beneficiaries. Mayroon namang 1,521 kwalipikadong pamilya ang nabahagian ng ayuda mula sa
first tranche ng SAP.
Bukod sa SAP ay ipinapaabot din niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng programa at serbisyo ng departamento na walang sawang umaagapay sa lokal na pamunuan upang magbigay ng serbisyong may malasakit sa higit na nangangailangan.
#DSWDMayMalasakit
#LagingHanda
#COVID19PH
#SocialAmeliorationProgram
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!