Ang tulang “Mensahe para sa Kabataan” ay isinulat ni Benjamin L. Jabien, benepisyaryo ng 4Ps mula sa Brgy. Jiabong, Samar upang magbigay paalala sa mga kapwa niya kabataan na maging matatag sa gitna ng pandemya. Ang mabait, masayahin, at responsableng bata na si Benjamin ay pinagsisikapang matapos ang kaniyang pag-aaral upang matupad ang pangarap na magig nurse balang araw. Sa kaniyang paglaki, nais niyang pumasok sa industriya ng medisina at higit sa lahat, maiahon ang pamilya sa kahirapan.
Bukod sa pagtula, mahilig din sumayaw at maglaro ng iba’t-ibang sports si Benjamin. Pangarap din niya ang isang mapagkalingan komunidad para sa bawat kabataan kung saan sila ay nakakapamuhay nang maayos at malayo sa masasamang impluwensya.
Ang tulang “Mensahe para sa Kabataan” ay likha ni Benjamin, isang bata para sa bata at para sa sambayanang Pillipino. #SaMaSaMa tungo SA MAtatag at SA MAtagumpay na pamilya at batang Pilipino.
#DSWDMayMasalakit
#LagingHanda
#COVID19PH
#PantawidPamilyangPilipinoProgram
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!