“Palayan talaga ang lugar na ito. Pero ngayon, mukha na siyang fishpond.” Ito ang nasabi ni Mang Rodel, isang magsasaka sa Jipapad, Eastern Samar, na naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyong Bising.

Kamakailan, ang DSWD Eastern Visayas ay nagsagawa ng balidasyon sa Eastern Samar, kung saan ininterview ang mga katulad ni Rodel na naapektuhan ng Bagyong Bising, upang masuri ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay bahagi sa pagtugon sa request na 2,510 na Family Food Packs (FFPs) ng lokal na pamahalaan ng Jipapad, sa ilalim ni Mayor Benjamin Ver, MD.

Ngayong araw, nakapagpadala na ang DSWD Eastern Visayas ng 2,000 na FFPs sa Jipapad. Patuloy naman ang isinasagawang relief operations ng DSWD sa Eastern Samar.

#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD
#FO8isGr8