Namahagi kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng tulong para sa mga pamilyang nasunugan ng bahay sa Brgy. 6, Guiuan, Eastern Samar. Sa pangunguna ni Eastern Samar Social Welfare and Development Team (SWADT) Leader Edizon Cinco, nakapamahagi ang DSWD ng hygiene kits, kitchen kits at sleeping kits para sa 11 na pamilya.

Ayon sa Officer-in-Charge ng Disaster Response Management Division ng DSWD na si Orville Berino, agarang nagpadala ang ahensya ng tulong matapos makita ang pangangailangan nitong mga pamilya na nawalan ng tirahan sa kalagitnaan ng bagyong Bising. Sa kabuuan, umabot sa P32,136.50 ang naipamahaging tulong ng ahensya.

Ayon sa ulat na natanggap ng DSWD, nakatanggap ang Guiuan Central Fire Station ng tawag ukol sa sunog na ito noong 3:20 ng madaling araw noong Abril 18. Agarang rumesponde ang mga bumbero at idineklarang fire out noong 5:50 ng umaga.

#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD
#FO8isGr8