
Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pagpapadala ng mga Family Food Packs (FFPs) para sa mga munisipyo sa Eastern Samar na naapektuhan ng bagyong Bising. Sa pinakahuling tala ngayong Abril 22, nakapagpadala na ang DSWD ng 4,607 na FFPs. Sa bilang na ito, 1,700 ang pinadala sa Arteche, 2,000 sa Jipapad, 307 sa Hernani at 600 sa Can-Avid. Tinatayang umabot na sa P2,505,885.51 ang halaga nitong mga naipadalang FFPs ng DSWD. Inaasahang madaragdagan pa ang bilang na ito habang patuloy ang relief operations ng DSWD.
Itong mga isinasagawang relief operations ay bahagi ng pagsuporta ng DSWD sa relief operations na ginagawa ng lokal na pamahalaan. Ayon sa Local Government Code, ang mga lokal na pamahalaan sa pangunguna ng mayor ang unang rumeresponde sa mga sakuna. Subalit, maari silang humingi ng karagdagang tulong mula sa DSWD kung kinakailangan.
Bawat FFP ay may lamang anim na kilo ng bigas, limang kape, limang cereal drink, apat na corned beef, apat na tuna flakes, at dalawang sardinas. Sapat ito para sa dalawa hanggang tatlong araw para sa pamilyang may limang miyembro. Ipinapaalala ng DSWD na hindi maaring ibenta itong mga FFP.
photo credits: Francis Quiros
#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD
#FO8isGr8