Kamakailan, ilang mga boluntir mula sa iba’t-ibang organisasyon at ahensya, katulad ng Eastern Visayas State University (EVSU), Girl Scouts of the Philippines at Focolare Movement, ang lumapit sa DSWD Eastern Visayas upang tumulong sa paghahanda ng Family Food Packs (FFPs).

Ayon kay Mary Grace, isang guro mula sa EVSU, “Kahit sa aming maliit na paraan, nakakatulong kami sa mga naapektuhan ng bagyong Bising. Fulfilling ang tumulong, sobrang ganda sa pakiramdam. Hindi ito ang first time na nagboluntir kami at hindi din ito ang huli. Marami pa ang pagkakataon para makatulong kami.”

Matatandaang nagsimula ang Typhoon Bising relief operations ng DSWD noong Abril 20, sa mga probinsiya ng Eastern Samar at Northern Samar. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring nagpapadala ang DSWD ng mga FFPs upang matugunan ang pangangailangan ng mga humihinging Local Government Units.

Patuloy naman ang DSWD na tumatanggap ng mga boluntir. Maaring tumawag o mag-text sa 0928-379-6656 (Smart) o 0917-184-5636 (Globe) upang makapagpa-iskedyul bilang boluntir. Magdala din ng face mask, face shield, pampalit na damit at iba pang mga personal an pangangailangan

#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD
#FO8isGr8