Kailanman ay hindi naging hadlang para kay William Brenzuela ang kawalan ng diploma upang limitahan ang sariling kakayanang makatulong sa kanilang komunidad.

Sa kagustuhang makatulong ni William, naging aktibong siya sa mga boluntaryong gawain sa barangay kabilang na ang pagiging community volunteer sa ilalim ng KALAHI-CIDSS.

Limang taon na siyang volunteer ng programa sa bayan ng Barangay Poblacion, Biri, Northern Samar. Para sa kanya ay nahubog ng DSWD Kalahi-CIDSS ang kanyang kakayahang mamuno upang magpatayo ng iba’t ibang proyekto na makakatulong sa kanilang pamayanan, kabilang dito ang mga school buildings na napapakinabangan ng mga estudyante sa kanilang lugar. Dagdag nito, ang kanyang pamangkin ay nakabenepisyo sa naipatayo nilang mga school buildings sa ilalim ng DSWD KALAHI-CIDSS.

Bangit ni William, “Masaya akong makatulong sa aming barangay sa abot nang aking makakaya. Sa pamamagitan ng pagboboluntaryo ko sa Kalahi-CIDSS, proud ako na isa ako sa naging susi upang makapagpatayo kami ng mga school buildings noong 2015 at 2017 ,paraan ito upang maraming bata ang makapag- aral. Ngayong taon naman ay malugod kami na makatanggap muli ng panibagong grants mula sa DSWD Kalahi-CIDSS upang tugunan ang epekto ng pandemya sa aming lugar.”

Dagdag niya kahit walang bayad ang oras na kanyang iginugugol sa pagboboluntaryo ay hindi siya mapapagod lalo na at ngayong pandemya ay marapat na magkaisa ang national government, lokal na pamunuan at komunidad sa pagbawas ng epekto ng pandemya.

Maliban sa pagiging community volunteer sa Kalahi-CIDSS, si William ay nagboboluntaryo din bilang frontliner sa kanilang LGU sa layuning mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 pandemic sa kanilang lugar. Siya ang isa sa mga nag- aasikaso ng mga dumarating na Locally Stranded Individuals (LSIs) sa kanilang lugar.

Bukod dito ay nagtatrabaho din siya bilang barangay utility na tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar. Isang boluntir din si William ng mga programa at proyekto na ipinapaabot ng Philippine Red Cross sa kanilang barangay.

Sabi pa ni William, patuloy siyang magboboluntaryo at tutulong sa kanyang pamayanan dahil ito ay itinuturing niyang higit sa yaman at diploma na kaya niyang maipagmalaki.

Kaakibat ng pagiging boluntir sa DSWD Kalahi-CIDSS ang pagtitiwala sa sariling kakayahang makatulong sa pamayanan.

#DSWDMayMalasakit
#MagKalahiTayoPilipinas
#ThisIs8!