Tinatayang umabot na sa 16,525 benepisyaryo mula sa target na 276,807 beneficiaries o mahihirap ng senior citizens ang naabutan ng pinansyal na tulong, sa ilalim ng Social Pension, para sa taong 2021.

Dagdag nito, 242,003 benepisyaryo para sa taong 2019, at 220,823 benepisyaryo para sa taong 2020 ang nakatanggap na ng kanilang ayuda.

Ipinaliliwanag ng DSWD na pare-pareho lamang ang bilang ng target beneficiaries mula 2019 hanggang 2021, maliban sa mga deceased o mga namatay na. Ang slot ng mga namatay na benepisyaryo ay pinunan ng mga kwalipikadong waitlisted senior citizens na sumailalim sa maigting na validation.

Binigyang diin rin ng DSWD na alinsunod sa batas (RA 9994), ang mga nakatatandang karapat-dapat makatanggap ng social pension ay ang mga mahina, may karamdaman, o may kapansanan; walang regular na suporta mula sa kanilang mga pamilya at kamag-anak; hindi pagtanggap ng pensiyon mula sa ibang mga ahensya ng gobyerno, at walang buwanang kita.

#DSWDMayMalasakit

(credits: DSWD Social Pension program)