Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pagsuporta sa mga Local Government Units sa laban kontra sa COVID-19.
Kamakailan, nag-release ang ahensya ng 1,200 na Family Food Packs (FFPs) para sa Tolosa, Leyte matapos magrequest ang LGU.

Ayon sa LGU, “Ang mga FFPs na ito ay para sa mga nag-iisolate dahil sa COVID19. Dahil sa quarantine, hindi sila makalabas para bumili ng pagkain, kaya ilalapit nalang namin ang pagkain sa kanila.”

Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilong bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang cereal drink at limang kape. Ito ay sapat para sa dalawa hanggang taltlong araw para sa pamilyang may limang miyembro.

#DSWDMayMalasakit