Ang proyektong 102 linear meter sea wall na natapos sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS sa Barangay Poblacion, Llorente Eastern Samar ay pormal nang naipasa ang pangangalaga nito sa lokal na pamunuan at ng komunidad sa ginanap na turnover ceremony kahapon, Hunyo 17, 2021.

Umabot sa Php 6.8 Million ang pondo ng proyekto sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng DSWD representatives sa panguguna nina Visayas Cluster Monitor Benito Cesario Tingson at Deputy Regional Project Manager (DRPM) Gerardo Peneda.

Nasa aktibidad din si Municipal Mayor Daniel Boco, at ang buong konseho ng barangay sa pangunguna ng punong barangay na si Pastor Barcia, at ang community volunteers na siyang naging katuwang ng lokal na pamunuan sa pangangasiwa ng proyekto.

Inaasahan na ang natapos na sea wall ay makatutulong na magbigay ng proteksyo sa 166 households o sambahayan mula sa peligro na dala ng malalaking alon tuwing may bagyo at kalamidad.

Ani pa ni Barcia, “Kami ay habang-buhay na nagpapasalamat sa DSWD Kalahi-CIDSS sapagkat binigyan kami ng pagkakataong magpatayo ng sea wall na siyang mahigit na kailangan ng aming pamayanan . Ngayon, mababawasan na ang aming takot at pangamba tuwing may bagyo o kalamidad.”

#DSWDMayMalasakit
#MagKalahiTayoPilipinas
#ThisIs8!

(credits: DSWD AC Doy Glino | Engr. Marvin Martorillas)