Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pagbabahagi ng tulong para sa mga munisipyong naapektuhan ng COVID19. Kamakailan, nag-release ang DSWD ng 311 na Family Food Packs (FFPs) para sa San Jose de Buan, Samar, matapos mag-request ang munisipyo ng relief goods.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Ana Gabon, ibabahagi ang mga FFPS na ito upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya na naka-quarantine dahil kumpirmadong may COVID19 o natagpuang close contact sa mga nagpositibo.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, limang kape, limang cereal drink, at halu-halong mga de lata, katulad ng apat na corned beef, apat na tuna flakes at dalawang sardinas. Sapat ito para sa dalawa hanggang tatlong araw para sa pamilyang may limang miyembro.

Sa ngayon, patuloy naman ang DSWD sa pag-recondition ng mga FFPs. Sa pamamagitan nito, tinitiyak ng ahensya na ang bawat FFP na inire-release nito ay mataas ang kalidad.

#DSWDMayMalasakit