Bilang paghahanda sa mga maaring maging epekto ng bagyo, nagsagawa ng coastal cleanup drive ang DSWD Eastern Visayas sa Barangay Purok A, Purok B, Songco at Sabang South. Sa pangunguna ng Eastern Samar Sub-field Office, nagbayanihan ang mga kawani ng ahensya mula sa iba’t-ibang programa.

Naging katuwang din ng ahensya ang mga iba pang mga partner, katulad ng LGU, City Social Welfare and Development Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Police Station, City Fire Station, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Environment and Natural Resources Officer.

Bahagi ang aktibidad na ito sa isinagawang paggunita ng DSWD ng National Disaster Resilience Month noong nakaraang buwan, kung saan nagsagawa ang ahensya ng Coastal Cleanup Drive sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon, kasama ang Tacloban City, Biliran, at Northern Samar.

Ang Eastern Samar ay isa sa mga probinsyang pinakamadalas daanan ng bagyo dahil direkta itong nakaharap sa karagatang Pasipiko.

#DSWDMayMalasakit

photo credits: Joseph de La Peña