
Nakiisa ang DSWD Eastern Visayas sa ginanap na Culmination Activity para sa National Disaster Resilience Month, kasama ang Office of Civil Defense, at ang iba’t-ibang mga ahensya na bahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni DSWD Regional Director Grace Subong na “we are never ending in our support, passion and commitment to ensure and build the resiliency of our communities. I would like to congratulate the regional NDRRMC for ensuring that all the members were able to implement their respective mandates and functions to ensure that all of us will develop resiliency in our endeavors. The DSWD, as an active member of the council, continues its support of the National Disaster Resilience Month, with the theme, “Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman, at Pagtutulungan, sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan”.
Ibinahagi ni RD Subong ang mga iba’t-ibang aktibidad na isinagawa ng DSWD bilang bahagi ng paggunita ng National Disaster Resilience Month. Kabilang dito ang isinagawang Coastal Cleanup Drive sa Tacloban City, kasama ang Tacloban City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at ang Tacloban City Rescue Unit (TACRU), at ang Coastal Cleanup sa Northern Samar at Biliran. Nagsagawa din ang DSWD ng capacity development para sa LGUs sa pamamagitan ng mga virtual training sa Disaster Data and Information Management.
Bilang paghahanda naman sa sakuna, nagsagawa ang ahensya ng mga earthquake drills sa lahat ng mga opisina nito, mula sa Regional na level, hanggang sa provincial at sa municipal.
Patuloy naman ang DSWD sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan, lalo noong National Disaster Resilience Month, kung saan umabot nang P4,589,681.34 ang halaga ng mga Family Food Packs na nai-release ng ahensya para sa mga LGU na apektado ng COVID19.
Nagpasalamat naman si RD Subong sa mga partners at mga stakeholders, katulad ng OCD, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, and iba pang mga National Government Agencies, at ang mga LGU na tumulong sa ahensya upang maisagawa nito ng maayos ang mandato nito sa pagdadala ng tulong sa mga naapektuhan ng sakuna.
#DSWDMayMalasakit