Ipinamahagi na ng Local Government Unit ng Mercedes, Eastern Samar ang mga Family Food Packs (FFPs) na ini-release ng DSWD Eastern Visayas. Ayon sa ulat an nakalap ng DSWD, nagbahay-bahay ang mga opisyal ng LGU at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang maihatid itong mga FFPs sa mga benepisaryo.

Nagrelease ang DSWD ng 500 na FFPs na nagkakahalaga ng P271,965.00 noong nakaraang linggo, matapos mag-request ang LGU ng dagdag na relief items para sa kanilang isinasagawang pagtulong para sa mga pamilyang isinailalim sa quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng COVID19.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, limang kape, limang cereal drink, at halu-halong mga de lata, katulad ng apat na corned beef, apat na tuna flakes at dalawang sardinas. Sapat ito para sa dalawa hanggang tatlong araw para sa pamilyang may limang miyembro.

#DSWDMayMalasakit

photo credits: Joseph de La Peña
LGU Mercedes