Hindi alintana ang init at layo ng lalakarin maiabot lamang ng DSWD Field Office VIII staff ang tulong pinansyal para kina Lolo at Lola.
Ang house distribution o pagbahay-bahay na pamamahagi ng tulong pinansyal ay isinasagawa para sa mga benepisyaryong bed-ridden o hindi na makalakad at makapunta sa mga venues ng payouts sa kanilang lugar.

Naging matagumpay ang bawat distribusyon o pamamahagi ng tulong kasama ang local government units.
Samantala, umabot na sa 45,044 ang indigent senior citizens sa Eastern Visayas ang nabigyan ng assistance sa unang semestre ng taong 2021, sa ilalim ng Social Pension Program.
(credits: DSWD FO-8 social pension program)
