Ginanap ang KALAHI-CIDSS NCDDP Additional Financing launching activity at Memorandum of Agreement (MOA) signing sa iba’t ibang bayan sa Eastern Visayas, kabilang na rito ang Cabucgayan at Almeria Biliran, Padre Burgos, Silago, Limasawa at Hinundayan Southern Leyte, at Tabango,Leyte.

Isinasagawa ang aktibidad upang pormal na buksan ang tatlong taong implementasyon ng Additional Financing sa ilalim ng DSWD KALAHI-CIDSS program.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng oryentasyon ang lokal na pamunuan sa proseso, timeline at pamantayan ng programa.

Dagdag nito, adhikan din ng aktibidad na pag-usapan ang pagpapalawig ng suporta ng LGU at stakeholders sa pagsasabatas ng Community-Driven Development sa kani-kanilang lokal.

Dahil sa epektibong resulta ng CDD sa pagtugon sa mga pangagailangan ng pamayanan sa maraming taon, ang programa ay binigyan ng tatlong taong implementasyon mula 2021-2023, sa pamamagitan ng Additional Financing (AF) na pinondohan ng World Bank.

Ang Additional Financing (AF) ng KALAHI-CIDSS NCDDP ay gumagamit ng Disaster Response Operations Modality (DROM) upang magbigay ng dagdag na tulong sa mga LGUs sa pagtugon sa epekto na dulot ng COVID-19 pandemic at nang iba pang kalamidad.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga LGU representatives, stakeholders at ng mga community volunteers.

(credits: A/MCT Cabucgyan at Almeria Biliran, Padre Burgos, Silago, Limasawa at Hinundayan Southern Leyte, at Tabango,Leyte.)