Tuloy-tuloy ang isinasagawang payout para sa mga benepisyaryo ng DSWD Unconditional Cash Transfer Program sa Rehiyon VIII.

Sa kasalukuyan, aabot sa P75,391,200.00 na ang kabuuang halaga na naipamahagi ng UCT Field Office VIII.

Sa 91,691 na benepisyaryo ng UCT Program sa rehiyon, 20,942 benepisyaryo na ang nakatatanggap ng kanilang cash grants.

Katuwang ng DSWD Field Office VIII ang Landbank of the Philippines, Local Government Units at mga Barangay Officials sa pamamahagi ng cash cards sa mga benepisyaryo ng UCT Listahanan sa rehiyon.

Laman ng UCT cash card ang 2020 cash grant ng mga benepisyaryo na nagkakahalagang P3,600 para sa nasabing taon.

Ang mga benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer Program ay kabilang sa mga natukoy na mahihirap na lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng TRAIN Law.

Para sa mga benepisyaryo na hindi pa nakatanggap, antabayanan ang anunsiyo ng inyong lokal na pamahalaan sa iskedyul ng distribusyon sa inyong lugar.