Nagtulungan ang mga tauhan mula sa iba’t-ibang programa ng DSWD Eastern Visayas at ilang mga boluntir mula sa Philippine National Police sa produksyon ng Family Food Packs (FFPs) bilang paghahanda para sa pagresponde sa bagyong Jolina.

Sa pinakahuling tala, mayroong 12,413 FFPs na nakaimbak ang DSWD sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Kasama dito ang 5,282 sa pangunahing warehouse nito sa Regional Resource Operations Section sa Leyte, 1,100 sa Eastern Samar, 416 sa Samar, 200 sa Biliran, at 5,415 sa Northern Samar. Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang sachet na kape, at limang cereal drink packs. Sapat ito para sa dalawang araw para sa pamilyang may limang miyembro.

Ipinapaalala naman ng DSWD na ang LGU ang unang rumeresponde sa mga sakuna. Maaaring i-release itong mga FFP kapag mag-request ng dagdag na relief items ang mga lokal na pamahalaan. Patuloy naman ang Disaster Response Management Division ng DSWD sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU upang makuha ang pinakahuling datos ukol sa pinsala na dulot ng bagyong Jolina.

#DSWDMayMalasakit
#JolinaPH