Ako si Elna Bantilo Tuba, taga barangay 1 Pambujan N. Samar, May asawa at walong anak, isang (1) babae at pitong (7) lalaki. Simple lang ang buhay namin mag-anak noon, kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Ang asawa ko ay isang karpentero ito ang ikinabubuhay ng aming pamilya. Kahit mahirap kami masasabi ko na isang napakapalad kong ina, dahil binigyan ako ng mga anak na mababait, masisipag at higit sa lahat may pananampalataya sa ating Panginoon. Medyo napakahirap sa paghahanap ng magandang kabuhayan, dahil sa kakulangan ng Edukasyon namin mag-asawa, kaya limitado ang aming natatamong kaginhawaan ng aking pamilya. Sa panahong nagsisimula ng mag aral ang aking mga anak sa bayan namin, kailangan ng maghanap ng aking asawa ng trabaho para sa pantustos sa aming pamilya, subalit dahil sa maliit ang aming bayan bibihira lang ang makahanap ng trabaho.
Sa simula pa lamang maraming mga pagsubok at problema ang dumarating sa aming buhay mag asawa dahil kaylan man hindi ako tinanggap ng aking byenan bilang asawa ng kanyang anak. Ngunit, nakakaya naming mag asawa ang mga pagsubok at problema na dumarating sa aming buhay. Sa aking pamilya ako ang ilaw at utak, ang aking asawa naman siya ang aming lakas na kahit bagyo hindi kayang patumbahin. Salat man kaming mag asawa sa karunungan masasabi ko na isa kaming responsableng mga magulang para sa aming mga anak. Dahil sa kahirapan, nahihirapan kaming mag asawa na itaguyod ang aming pamilya dahil sa kawanlan ng permanenteng mapagtrabahoan ang aking asawa. Minsan dumating kami sa punto na bigas lang ang aming nabibili, ang ulam ay wala na. Naaawa ako noon sa aking mga anak dahil pano na ang kanilang kinabukasan” minsan, itatanong ko sa aking sarili. Kaya ba namin mag asawa na pag-aralin ang aming mga anak, kasi wala naman permanenteng trabaho ang aking asawa??
Kaya napag isip-isip naming mag asawa na kailangan na pag aralin namin ang aming mga anak para ng sa gayon ay makapagtapos sila sa kanilang pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho para hindi nila maranasan ang hirap ng buhay na aming pinagdaanang mag asawa. Minsan, kapag walang makain ang aking mga anak dumating sa punto na ang aming kapitbahay ay may okasyon tumutulong ang aking asawa sa pagkatay ng manok at kapag inuutosan siya na itapon ang mg lamang loob ng kinatay na manok agad niya itong iuuwi sa bahay para linisin at para gawing ulam ng kanyang pamilya. Tuwang tuwa naman ang aking mga anak kasi meron na silang uulamin. Samantalang ang aking kalooban habang pinapanuod ko ang aking mga anak na kumakain sa hapagkainan at may sinasaluhang ulam ay mistulang dinudurog ang aking puso sa awa, sa aking asawa at mga anak. Kahit kami walang-wala ay taas noo ko naman na wag ipagsabi kahit kanino ang tunay naming kalagayan. Para makaiwas ang pamilya ko sa kahihiyan. Baka kasi sabihin nila na nag asawa ng maagap hindi naman kayang buhayin ang pamilya.
Nagsimula sa pagiging laborer ang aking asawa hanggang sa naging karpentero, dahil sa kanyang pagpupursige. Samantala noong nag aaral na ang aking mga anak ang kanilang uniporme ay iisa lang, kaya tuwing hapon pagkahubad nila ay aking lalabahan para maisuot kinabukasan. Sa kabila ng kahirapan na pinagdadaanan ng aking pamilya masasabi ko na mahirap na masaya. Bilang isang ina masakit sa aking kalooban dahil hindi ko maibili o maibigay sa aking mg anak ang mga bagay na gusto nila. Dumating sapunto na hindi ko pinapalaro sa labas ng bahay ang aking mga anak sa kadahilanan na baka kako makakita ng laruan sa ibang bata at maiingit lang sila, at para narin hindi sumakit ang kalooban ng aking mga anak na bilang isang ina hindi ko kayang maibagay sa kanila ang kanilang gusto kahit manlang laruan. Noong panahong iyon, ang aking pamilya ang tumutulong sa amin at nagsasakripisyo dahil sa kahirapan na aming tinatamasa. Ngunit pinalaki ko ang aking mga anak na may respeto at takot sa diyos. Dahil sa kahirapan nagpapakatatag kaming mag asawa para sa aming mga anak.
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, siguro masasabi ko sa aking sarili na ito na yun! Yong dinadasal ko. Nakarinig ako noon ng usap-usapan sa aming kapitbahay na may mga bisita daw sa Auditorium ng Pambujan ipinadala daw ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para daw mamingay ng pera, kapag may nag-aaral kadaw sa high school o elementarya. Kaya nung narinig ko ang usap usapan, kinabukasan pumunta ako sa Auditorium ng Pambujan. Lumapit ako sa dalawang babae para itanong kung nasa listahan ang aking pangalan. Hindi ko maiwari ang aking naramdaman kong magiging masaya ba ako o iiyak ako ng sinabi nong babae na nanduon ang pangalan ko. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon Agosto 11,2008. Agad akong hiningan ng barangay certification para daw pagpapatunay na ako talaga yung nasa listahan. Nang araw din iyon ibinigay nila ang aking payroll na nagkakahalaga ng P2800.00 pesos at sinabi sa akin an ang pagkuha daw ng pera ay sa catarman Landbank. Yun yong unang pagkakataon na nakahawak ako nga malaking pera kaya hindi ko sinayang ang pagkakataong iyon. Nung nakuha ko ang pera ay agad kong ipinagbili ang aking mga anak ng mga gamit sa paaralan (bag, iniporme, sapatos, medyas at iba pa). at yan ang unang pagkakataon na nakabili at nakaulam kami ng masarap na chooks to go na hindi manlang nagmula sa aming pawis. Masaya kaming pamilya habang pinagsasaluhn namin ang ulam na iyon. Sa Sobrang saya sa araw na iyon hiniling ko sa itaas na “SANA LORD KUNG ITO MAN AY PARA SA AMIN, SANA TULOY-TULOY NA ITONG BIYAYA NA AMING MATATANGGAP”. Pagkatapos ng aming haponan, binalot ako ng takot at pangamba kaya sinabi ko sa asawa ko na, anong dahilan, bakit tayo binigyan ng pera ng gobyerno? Kaya ang ginawa ko ay inilista ko ang perang aking natanggap nang sa gayon kapag dumating ang araw singilin ako alam ko kong mag kano ang aking utang.
Dahil sa patuloy ang pagtanggap ko ng grant ng 4ps. Kailan man wala akong sinayang na pagkakataon lahat ng pera na natatangap ko sa programa ng 4ps ay pinahahalagahan ko. Kaya bilang isang ina nagpursige akong pag aralin ang aking mga anak.
Sabi ko sa sarili ko umaayon sa akin ang pagkakataon, doon lamang nabuhayan ako ng pag-asa kaya nagsimulang umusbong ang aking munting pangarap na sana patuloy itong grasya na aking natatanggap sa ngayon, ng sa gayun ay makapagtapos ako sa aking mga anak. Sa Family Development Session (FDS) marami akong natutunan, doon ko nalaman na poydi pala akong mag family planning, na libre. Kaya nagpalista agad ako sa center para magpaliget. Para hindi na ako mag anak ng marami at para mapokosan ko na ang aking mga nak sa pag aaral. Minsan sinasabay noon ang tatlong payroll kapag nagrerelese kaya nakakatanggap ako ng P7200.00 pesos.
Naghihinayang ako noon na gastahin lang sa wala ang pera mula sa 4Ps na aking natatanggap. Kaya nagplano kami mag asawa na magkaroon na mapagkakakitaan at naisip namin ang pag aalaga ng baboy. Kaya bumili kami ng dalawang baboy babae at lalaki at inalagan namin ito hanggang sa lumaki. Ang babae ay pinapaanak namin at ibenebenta ang mga anak pati narin ang lalaki para may ipagawa kami ng kulungan ng baboy.ang sunod ko na ipinagawa ang kuryente namin kaya kahit gabi ay maliwanag kami.
Hanggang sa magkokolehiyo na ang aking anak na Panganay na si Crismark. Laking pangamba at pagkabahala ang nasa isip ko dahil hindi ko alam kong paano ko susupurtahan ang aking anak sa kolehiyo kasi mahal yung tuition fee, boarding house, allowance every week. Bilang ina ninais ko mapaunlad ang sarili para makatulong ako sa Financial na pangangailangan ng aking mga anak. Kaya laking saya at tuwa ang aking naramdaman ng si Crismark ay isa sa mg beneficiary ng Expanded students’ Grants-in-aid Poverty Alleviation (ESGP-PA) na Programa ng 4Ps kaya sabi ko sa sarili ko malaki itong tulong para sa pag aaral ng aking anak sa kolehiyo lalong lalo na sa aming mag asawa hindi na kami masyadong mamomroblema.
Nag-aral ako ng DRESS MAKING at meron akong certificate NCII sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) last December 2018, nabigyan kami ng makina sa pananahi.
Ako rin ang hinirang sa aming barangay na Project Preparation Team (PPT) sa ilalim ng Proyekto ng KALAHI-CIDDS para sa aming Evacuation Center Project. Sa ngayon isa akong Presidente ng aming association na TULAY SA KAUNLARAN at ang aming negosyo ay BiGASAN na ang nagbigay ng puhunan ay Sustainable livelihood Program (SLP) sa katanayan apat (4) na buwan na naming pinapatakbo ang aming bigasan at ito ay maganda naman hanggang ngayon. bilang isang ina at miyembro ng programa napakahalaga sa isang mahihirap na tulad ko ang magkaroon ng tiwala sa ating sarili at sa kapwa. Pinagkakatiwalaan tayo ng ating Gobyerno na gamitin ng tama ang ayuda na ating natatanggap kaya bilang isang benepesyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) wag natin sayangin ang oportunidad na ibinigay sa atin bagkos ito ay gamitin sa tama at wag sayangin, habang may pangarap, sabayan ng pagsisikap.
Hindi ko masasabi naperpekto ang aking pamilya. Dahil minsan dumarating sa punto na nagaaway-away din sila ngunit bilang isang magulang/ina hindi ko hinahayaan balewalain ang problema ng aking mga anak pinag-uusapan namin ng maigi at ipinaparamdam sa kanila na kahit mahirap ang buhay kailangan sa isang pamilya ang respeto at pagmamahal ng bawat isa dahil iyon lamang ang isang sangkap/sikreto para ang isang pamilya ay maging masaya kahit ano paman ang pagsubok na dumating sa ating buhay basta’t nagkakaisa.
Minsan dumating sa punto na nagkasakit ang aking asawa inatake siya ng kanyang sakit na highblood hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras nayon takot at pangamba ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Dahil 2nd year collage palang ang anak ko na si Crismark pano na ang pangarap ko sa aking anak na makatapos sa koliheyo kung ang asawa ko ay may sakit at hindi makapagtrabaho sino ang tutulong sa amin?
Yun ang nasa isip ko sa mga oras na iyon. Subalit muntik ko ng makalimutan na pinalaki ko ang aking mga anak na matatag at may paninindigan sa buhay.
Kaya nagtulungan kaming pamilya para malutas ang problema. Ang aking panganay na anak na si Crismark kahit na nag-aaral sa koliheyo nagsasideline siya sa isang catering services para matustusan ang kanyang pag-aaral habang kulang kami sa financial na ibinibigay. At ang pangalawa ko namang anak ay pumapasok siya sa panggugupit para may pambili ng gamot ang kanyang ama na may sakit. At ang pangatlo ko naman na anak na si Rowie minsan lumiliban sa klase para pumasok sa paglabor para may pangbili kami ng bigas. At yung mga anak ko naman na maliliit sila ay tumutulong sa akin sa gawaing bahay at ako naman ay naglalako ng mga kakanin para may panggastos din kami sa aming pangangailangan.
Makalipas ang apat na buwan pinilit ng aking asawa na magtrabaho kasi ayaw daw niyang nakikitang nahihirapan at nagugutom ang kanyang pamilya. Siguro nga sadyang sinusubukan ng tadhana ang aking pamilya sa mga problema kaya dumating sa amin na nagkaproblema kami sa financial ngunit buong tapang naming hinarap sabi nga” ang problema nandyan lang yan, patuloy kalang lumaban”. Masasabi ko na ang aking pamilya ay isang matibay at matatag ang aming pondasyon dahil ang tunay na sikreto ng tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon anumang hirap o problema na dumating sa buhay lagi nating iisipan na may panginoon tayo na sa itaas na handa tayong gabayan sa ating desisyon sa buhay. Nang panahon iyon dahil nakikita ko na mahina pa ang aking asawa alam kong pinipilit lang niya ang kanyang sarili na makatulong sa kanyang pamilya kasi ayaw niyang iasa sa kanyang mga anak ang kanyang resposibilidad bilang isang ama. Nagdesisyon ako na mangibang bansa bilang isang OFW para makatulong ako sa aking pamilya. Nagbenta ako ng baboy para makumplito ang aking mga requirements ng sa ganon ay makaalis agad ako pauntang ibang bansa. September 12, 2017 sa araw na iyon paalis na ako kinabukasan para magpamedical sa negros at diretso pamuntang maynila para duon mag aral ng TESDA. Sa kasamaang palad hindi ako nakaalis dahil dumating ang aking anak na nag aaral sa koliheyo, hindi siya pumayag na mangibang bansa ako at ayaw niyang pumayag na iwan ko silang magkakapatid.
Sabi niya “ Nay, mabilis lang ang oras at maikli ang panahon, ang problema nandyan lang yan, walang imposible kung ang pamilya ay nagtutulungan lahat ay kayang malagpasan. Sinabi rin niya sa akin na wag tayon magmamadali sa buhay. nay, magsisikap ako at magtitipid sa pag aaral, bantayan mo lang kaming magkakapatid dahil kung iiwan mo kami mahirap muna makilala ang aming ugali. Kailangan namin ng isang ina na mag aaruga at mag aalaga, walang halaga sa amin ang pera kung ikaw naman ay mahihiwalay sa amin. Hintayin mo lang ako, dahil ako ang magtatrabaho para nang sa gayon makatulong ako sa pag aaral ng aking mga kapatid. Sa mga oras na iyon hindi ko maiwari sa aking sarili ang sinabi ng aking anak labis akong napaiyak at napahagulhol masarap pakinggan at lalong tagos sa puso ang tinuran ng aking anak. kaya nung tumawag ang aking agency sinabi ko nalang na hindi ako pinayagan ng aking pamilya. Ngunit sa pagkakataong iyon sinabihan ko ang mga anak ko” sige kung yun ang gusto ninyo na hindi ako umalis lahat ng klaseng pagtitipid ay gagawin natint ngunit ang hinihiling ko lang ay magtulungan tayo bilang isang pamilya, huwag sana kayong magsayang na kahit piso sa inyong pag aaral dahil napakahalaga sa isang magulang na ang kanyang anak ay nakapagtapos ng pag aaral.
Sa bawat pagsubok na aming nararanasan masasabi ko na lahat ng problema ay may solusyon. Ito lamang ang paraan ng panginoong diyos para sukatin ang aming katatagan sa sarili, pamilya at sa kumunidad. Binibigyan tayo ng problema para maging malakas, matibay at higit sa lahat maging matatag at matuto sa buhay. Kaya naniniwala ako sa isang kasabihan “KAPAG MAY TIYAGA MAY NILAGA”. Dahil sa ngayon nagsisimula na ang istorya ng pangalawang yugto ng aming pamilya kasi nakapagtapos na ang aking anak na panganay na si Crismark sa kursong BACHELOR OF SCIENCE IN ELECTRICAL ENGINEERING (BSEE) last 2019 at sa awa ng diyos isa na siyang ganap na Registered Engineer, sa kasalukuyan nagtatrabaho na siya sa maynila.
Naabot na ng aking panganay ang aming pangarap mag asawa na mapagtapos namin an gaming anak at kung bibigyan pa ko ng pagkakataon na sana lahat ng aking mga anak ay makapagtapos sa pag aaral ng sa gayon ay maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Sa ngayon patuloy kaming nagsusumikap mag asawa para sa aming mga anak, sa kasalukuyan, magdadalawa na ang aming anak na mag-aaral sa koliheyo. Meron pa naman kaming maliit na babuyan para pantustos sa kanilang pag aaral at tinutulungan na kami ng anak ko na nagtatrabaho sa maynila. Siya na ang nagbibigay allowance sa kanyang mga kapatid kaya pakiwari ko na medyo nakakagaan gaan ng pakiramdam sa aming kalagayan kasi meron na kaming anak na katuwang sa pagtulong para sa pag aaral ng kanyang mga kapatid at handing magsakripisyo para sa kanyang pamilya.
Dahil sa pandemya na nararanasan ng ating bansa sa ngayon, lahat ng trabaho ay nahinto. Kaya yung anak ko sa maynila ay walang trabaho no work no pay sila. Kaya sabi nga, hindi natin hawak ang panahon. Dahil sa nararanasan nating sakit na COVID-19, pati ang pamilya ko ay naghihirap din kasi limitado ang mapagtrabahuan at paglabas ng bahay.
Nagpapasalamat ako sa DSWD lalong lalo na ang Pantawid Pamilya Pilipino Program(4Ps) dahil malaki ang naitulong ng Programang Pantawid Pamilya hindi lang sa aming pamilya kundi sa lahat benepisyaryo ng programang ito.
Sadyang mapagbiro ang tadhana ngayon ang ating mundo ay sinubok ng isang sakit na kung tawagin ay pandemya o COVID-19 maraming buhay ang nawala. Maraming tao ang nagsakripisyo, maraming nawalan ng hanaphuhay at trabaho. Panalangin ko na sana isang araw mawala na ang pandemya sa ating mundo at bumalik na sa normal na pamumuhay ang mga tao. Mundong ginagalawan sabi ko sa sarili ko ok lang ang magutom ang importante buo ang pamilya ko at walang sakit.
Maraming salamat and more power, sa inyong programa, Godbless.