Disyembre 17 – Kasama ang Philippine National Police, Department of Interior and Local Government, Bureau of Fire Protection, Office of Civil Defense at iba pang mga ahensya, isa ang DSWD Eastern Visayas sa mga ahensya na bumisita sa Maasin City, Southern Leyte.

Matapos magkaroon ng black-out, binisita ni DSWD Regional Director Grace Subong ang nasabing siyudad upang kumuha ng datos, tulad ng bilang ng mga apektadong pamilya, at ang sitwasyon doon at sa mga karatig na bayan.

May nakapreposition ang DSWD na 5,000 Family Food Packs (FFPs) sa siyudad, habang patuloy naman ang pagresponde ng DSWD sa mga request mula sa mga lokal na pamahalaan. Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang ahensya ng 1,500 FFPs para sa Silago, 400 sa Hinundayan at 500 sa Hinunangan.

Patuloy namang prinoproseso ng DSWD ang mga request para sa FFPs mula sa mga naapektuhang LGU.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePh