Mas pinaigting ng DSWD Eastern Visayas ang kahandaan nito sa pagdating ng bagyong Odette sa pamamagitan ng prepositioning. Ang prepositioning ay isang estratehiya ng DSWD kung saan iniimbak ang mga Family Food Packs (FFPs) sa mga strategic na lokasyon bago pa man dumating ang sakuna.

Base sa forecast ng PAGASA, ang Eastern Visayas ay isa sa mga maaaring madaanan ng bagyo. Dahil dito, nagsagawa ng prepositioning ang DSWD sa mga lugar na madalas maapektuhan ng bagyo. May ipe-preposition ang DSWD na 2,000 FFPs sa Borongan City, 1,500 sa Can-avid, 5,000 sa Southern Leyte at 3,000 sa Catbalogan City. Ang mga FFPs na ito ay iimbakin sa mga warehouse at handang i-withdraw ng mga magrerequest na LGU.

Sa pinakahuling tala, mayroong 21,987 na FFPs ang DSWD na nakaimbak sa buong Rehiyon. Maaari itong i-release sa mga LGU na magsusumite ng request sa ahensya.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH