Nagtutulungan ang DSWD Eastern Visayas at ang Philippine Air Force upang maiparating ang mga Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang apektado ng bagyong Odette. Gamit ang Sikorsky S-70 Black Hawk na mga helicopter, mabilisang nakapagpadala na ang DSWD ng mga relief items sa mga lugar na mahirap pasukin ng mga ground vehicles, katulad ng Limasawa, San Ricardo, Padre Burgos at Pintuyan.

Sa pinakahuling tala (Disyembre 22, 12NN), nakapag-release na ang DSWD ng 29,909 FFPs sa 21 na LGUs. Kasama dito ang:

Silago 2,358
Hinundayan 3,727
Hinunangan 3,500
St Bernard 1,500
Sogod 1,300
Maasin City 1,000
Liloan 1,800
Limasawa 2,000
Macrohon 500
Bontoc 1,000
San Francisco 1,600
Pintuyan 560
Padre Burgos 500
San Ricardo 500
Tomas Oppus 1,000
Anahawan 500
Libagon 600
San Juan 964
Malitbog 800
Dulag 1,000
Hilongos 700
Tacloban City 2,500

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH