Nagsimula na ang DSWD Eastern Visayas sa inisyal na pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette.

Sa pinakahuling tala ngayong Disyembre 20, nakapag-release na ang ahensya ng 18,208 na FFPs. Kasama dito ang 1,000 FFPs sa Dulag, 2,500 sa Tacloban City, 2,108 sa Silago, 2,100 sa Hinundayan, 3,100 sa Hinunangan, 1,000 sa Saint Bernard, 2,400 sa Sogod, 1,000 sa Maasin City, 1,000 sa Liloan, 1,000 sa Limasawa, 500 sa Macrohon at 500 sa San Ricardo. Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga FFPs na inire-release habang nagpapatuloy ang relief operations. Patuloy naman ang produksyon ng DSWD ng FFPs bilang paghahanda sa request mula sa mga apektadong Local Government Units.

Naging katuwang ng DSWD sa paghahatid ng mga FFPs ang iba’t-ibang miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, katulad ng Office of Civil Defense, Philippine Army, Philippine National Police, ang mga LGUs, at iba pang mga ahensya, partner at stakeholders.

Pinapaalala naman ng DSWD na ayon sa Republic Act 10121, ang LGU ang unang responder sa mga sakuna. Maaaring mag-release ng relief items ang ahensya kapag mag-request ang LGU.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH

📸 Disaster Response Management Division