Nakipag-ugnayan ang DSWD Eastern Visayas sa iba’t-ibang mga ahensya na miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang makarating ang mga Family Food Packs (FFPs) nito sa mga pamilyang apektado ng bagyong Odette. Sa tulong ng mga partner na ito, katulad ng Office of Civil Defense, Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine National Police, at iba pa, mabilis na naipapadala ang mga relief items, kahit mayroong mga hamon, katulad ng kawalan ng kuryente at signal. Naging katuwang din ng ahensya ang Department of Public Works and Highways, na nagpapahiram ng kanilang mga truck para sa transportasyon ng mga relief goods, at patuloy na nagsasagawa ng road-clearing oeprations.

Sa pinakahuling tala ngayong Disyembre 20, nakapag-release na ang DSWD Eastern Visayas ng 18,208 Family Food Packs (FFPs) sa 12 na LGUs. Kasama dito ang 1,000 FFPs sa Dulag, 2,500 saTacloban City, 2,108 sa Silago, 2,100 sa Hinundayan, 3,100 sa Hinunangan, 1,000 sa Saint Bernard, 2,400 sa Sogod, 1,000 sa Maasin City, 1,000 sa Liloan, 1,000 sa Limasawa, 500 sa Macrohon at 500 sa San Ricardo. 

Samantala, patuloy na prinoproseso ng ahensya ang mga request para sa relief goods mula sa mga apektadong LGUs. Inaasahang mas marami pang FFP ang maibabahagi ng DSWD habang nagpapatuloy ang relief operations nito.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH