Patuloy ang produksyon ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Odette. Naging katuwang ng DSWD sa paghahanda ang Philippine National Police Region 8, na nagpadala ng 20 na mga police volunteers. Tumulong ang mga volunteer na ito sa pag-withdraw ng bigas mula sa National Food Authority at sa produksyon ng FFPs. Nakapag-repack ng1,387 na FFPs ang mga volunteer sa maghapon na produksyon.

Sa pinakahuling tala, may nakahandang 21,987 na FFPs ang DSWD. Nakaimbak ang mga ito sa mga strategic na lokasyon sa buong Rehiyon.

Pinapaalala naman ng ahensya na ayon sa Republic Act 10121, ang mga Local Government Units ang unang rumeresponde sa mga sakuna. Maaring mag-release ng relief items ang DSWD kapag mag-request ang mga LGU.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH