“Sa lupa, sa karagatan, at kung hindi na kaya sa lupa, sa himpapawid.”
Sa ganitong paraan, sinisigurado ng DSWD Eastern Visayas na makararating ang mga Family Food Packs at mga Non-Food Relief Items nito sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Odette.
Nagpapasalamat ang DSWD sa mga naging katuwang nito sa transportasyon nitong mga relief items, katulad ng mga Local Government Units, ang Office of Civil Defense, ang Philippine Army, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, at iba pang mga ahensya.
Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD Eastern Visayas ng 112,784 na FFPs na nagkakahalaga ng P64,604,554.23. Kasama sa mga nakatanggap ang lahat ng LGUs sa Southern Leyte, at iilang mga munisipyo sa Leyte at Eastern Samar. Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang relief operations para sa mga apektado ng bagyong Odette.
Para sa distribusyon ng mga relief items sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa ating lokal na mga opisyal.
📸 DSWD FO V, DSWD FO VIII, OCD
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH







