Dumating na sa DSWD Eastern Visayas ang 2,300 na dagdag na Family Food Packs (FFPs) para sa patuloy na relief operations nito para sa bagyong Odette. Gamit ang C-130 transport plane ng Philippine Air Force, ang nasabing FFPs ay isinakay mula sa DSWD CAR at Region 1 papuntang Region VIII bilang relief augmentation para sa mga biktima ng bagyo.
Katuwang naman ang Philippine National Police at ang Philippine Army, maayos na nai-unload, ini-stockpile at inihanda ang mga FFPs na ito para sa distribusyon sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyo.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pamamahagi ng DSWD ng FFPs at Non-Food Relief Items (NFI) para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng 112,784 na FFPs na nagkakahalaga ng P64,604,554.23 at NFIs na nagkakahalaga ng P10,991,493.
Para sa distribusyon ng mga relief items sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa ating lokal na mga opisyal.
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH