Nagtulungan ang mga kawani ng DSWD Eastern Visayas at ang lokal na pamahalaan ng Libagon, Southern Leyte sa pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) sa nasabing munisipyo. Kasama ang mga kawani mula sa opisina ng Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO), nakapamahagi ang DSWD at ang LGU ng 6,500 na FFPs para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette mula sa 14 na barangay sa nasabing munisipyo.

Bahagi ito ng patuloy ang pamamahagi ng DSWD ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pinakahuling tala ngayong Enero 17, nakapamahagi na ang ahensya ng 130,513 na FFPs na nagkakahalaga ng P76,274,264.84 at mga Non-Food Relief Items (NFIs) na nagkakahalaga ng P12,035,678.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang relief operations.

📸 MSWDO Libagon

#DSWDMayMalasakit
#OdettePh