Nag-turnover kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 300 na rolyo ng laminated sacks sa probinsya ng Southern Leyte. Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DSWD Secretary Rolando Bautista na mabigyan ang mga pamilyang nawalan o nasiraan ng bahay ng mga materyales na maaring gamitin bilang pansamantalang tirahan.

Sa pagtutulungan ng DSWD National Resource and Logistics Management Bureau at ng DSWD Field Office V, nakarating ang mga laminated sacks na ito sa Maasin City, kung saan itinurn-over ito sa Provincial Social Welfare and Development Officer. Ibabahagi ang mga ito sa mga Local Government Units sa nasabing probinsya.

Samantala, patuloy naman ang pamamahagi ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs at iba pang non-food relief items sa isinasagawa nitong relief operations para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.


📸 Julius Lacaba


#DSWDMayMalasakit
#OdettePH