Maliban sa Family Food Packs, kasama sa tulong na ibinahagi ng DSWD Eastern Visayas para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette ang mga Non-Food Relief Items (NFI). Kabilang dito ang mga Hygiene Kits, na may lamang toothbrush, toothpaste, napkin, sabon, shampoo, detergent, nailcutter at pang-ahit, mga Kitchen Sets na may lamang mga kutsara, tinidor, plato, baso, kawali at kaldero, mga Sleeping Kits na may lamang kumot, malong, kulambo at plastic na banig.

Sa pinakahuling tala ngayong Enero 13, nakapamahagi na ang DSWD ng 3,740 na Hygiene Kits, 2,667 Kitchen Sets, 422 Sleeping Kits, 460 na Family Kits, 1,800 na lalagyan ng tubig at 270 na rolyo ng Laminated Sacks. Nagkakahalaga ang mga NFI na ito ng P10,002,683.00

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang relief operations para sa mga na naapektuhan ng bagyong Odette. Para sa distribusyon ng mga relief items sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa ating lokal na mga opisyal.

📸 CTTO

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH