Namahagi ang DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) sa San Ricardo, Southern Leyte bilang bahagi ng nagpapatuloy na relief operations para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Katuwang ang Local Government Unit, Philippine National Police at Philippine Army, at iba pang mga ahensya, nakapamahagi ang DSWD ng 5,732 na FFPs para sa mga pamilya mula sa 15 na mga barangay sa nasabing munisipyo.
Sa kabuuan, nakapamahagi na ang DSWD ng 162,940 FFPs na nagkakahalaga ng P95,755,786.36 ayon sa pinakahuling tala ngayong Enero 25. Maliban dito, nakapamahagi na rin ang DSWD ng Non-Food Relief Items na nagkakahalaga ng P13,488,203.
Makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para sa distribusyon ng relief items sa inyong lugar.
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH
📸 CTTO







