Tingnan: Tulong-tulong ang mga kawani ng DSWD Eastern Visayas at ang lokal na pamahalaan ng Bato, Leyte sa pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette sa nasabing munisipyo. Nakapamahagi ng 1,000 na FFPs ang DSWD sa isinagawang distribusyon noong Enero 11.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang relief operations para sa mga na naapektuhan ng bagyo. Sa pinakahuling tala ngayong Enero 13, nakapamahagi na ang DSWD ng 128,813 na FFPs na nagkakahalaga ng P75,216,864.84.
Para sa distribusyon ng mga relief items sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa ating lokal na mga opisyal.
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH
📸 CTTO