Nagpapatuloy pa rin ang relief operations ng DSWD Eastern Visayas para sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Odette. Kamakailan, nag-release ang ahensya ng 1,500 na dagdag na Family Food Packs (FFPs) para sa Hilongos at 1,500 para sa Inopacan.

Sa pinakahuling tala ngayong Enero 19, nakapamahagi na ang DSWD ng 133,213 FFPs na nagkakahalaga ng P78,034,814.84. Kasama sa mga nakatanggap nitong mga FFPs ang 19 na mga munisipyo sa probinsya ng Southern Leyte, 10 sa Leyte at isa sa Eastern Samar. Maliban dito, nakapamahagi na rin ang ahensya ng Non-Food Relief Items na nagkakahalaga ng P12,119,628.

Para sa pamamahagi ng relief items sa inyong lugar, maaring makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH