
Habang nagpapatuloy ang pamamahagi ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette, patuloy naman ang ahensya sa produksyon ng dagdag na mga FFPs. Kasama ang mga volunteer mula sa Bureau of Fire Protection at Philippine National Police, nagtutulungan ang mga kawani ng DSWD mula sa iba’t-ibang programa para makapaghanda nitong mga relief items.
Sa pinakahuling tala ngayong araw, may nakahandang 11,604 FFPs ang ahensya. Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang kape at limang energy cereal drink. Nakaimbak ang mga ito sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon.
Samantala, nagpapatuloy naman ang relief operations ng DSWD para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pinakahuling tala ngayong Enero 26, nakapamahagi na ang ahensya ng 165,940 na FFPs na nagkakahalaga ng P97,295,056.36.
Makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para sa distribusyon ng relief items sa inyong lugar.
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH