
Nag-release kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 2,200 Family Food Packs (FFPs) bilang bahagi ng nagpapatuloy na relief operations para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sa bilang na ito, 1,500 na FFPs ang ibinahagi para sa Bato, Leyte, habang 700 naman ang ikinarga para sa Anahawan, Southern Leyte.
Sa pinakahuling tala ngayong Enero 28, nagbahagi na ang DSWD ng 171,240 na FFPs na nagkakahalaga ng P99,938,253.36 dito sa Rehiyon VIII. Kasama sa mga nakatanggap nitong mga FFPs ang 19 na Local Government Units sa probinsya ng Southern Leyte, 10 sa Leyte at isa sa Eastern Samar. Maliban sa mga FFPs, nag-release na rin ang ahensya Non-Food relief items (NFIs) na nagkakahalaga ng P20,354,260.50.
Makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para sa distribusyon ng relief items sa inyong lugar.
#DSWDMayMalasakit
#OdettePh