Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pagsasagawa ng relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette. Kamakailan, sama-sama ang mga kawani ng DSWD mula sa iba’t-ibang programa katulad ng Disaster Response Management Division at Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pamamahagi ng Family Food Packs sa Inopacan, Leyte.
Nakapamahagi ng 205 na FFPs ang ahensya sa initial na distribusyon para sa mga pamilyang tuluyang nawalan ng tirahan (totally-damaged houses) sa nasabing munisipyo.
Sa pinakahuling tala ngayong Enero 3, nakapag-release na ang DSWD ng 76,338 na FFPs sa buong Rehiyon bilang augmentation sa mga apektadong munisipyo sa Eastern Visayas. Patuloy naman ang isinasagawang relief operations.
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH







