Tingnan: Nag-unload kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 14,000 na karagdagang Family Food Packs (FFPs). Sa bilang na ito, 10,000 na FFPs ang ipinadala mula sa National Resource Operations Center (NROC) ng DSWD Central Office at 4,000 naman ang galing sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) ng DSWD Field Office VII. Bahagi ito ng patuloy na paghahanda ng DSWD laban sa mga sakuna.

Sa pinakahuling tala, mayroong nakaimbak na 21,934 FFPs ang DSWD. Ang mga FFPs na ito ay naka-preposition sa iba’t-ibang strategic na warehouse sa buong Rehiyon VIII at maaaring ipamahagi sa mga nangangailangang LGU.

Samantala, patuloy naman ang pamamahagi ng relief items para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng 207,676 FFPs na nagkakahalaga ng P122,604,619.36 at mga Non-Food relief Items (NFIs) na nagkakahalaga ng P42,586,705.50.

#DSWDMayMalasakit