Nagsimula na ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa mga nasiraan ng bahay dulot ng Bagyong Bising, na nanalasa noong Abril 2021.

Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng P2,410,000. Sa bilang na ito, P510,000 ang ibinahagi sa 51 na benepisaryo sa Maripipi, Biliran na mayroong partially damaged houses, habang P1,900,000 naman ang ibinahagi sa San Sebastian, Samar, para sa 187 na benepisaryo na may partially damaged houses, at isang benepisaryo na may totally damaged na bahay.

Ang ESA ay pinansyal na tulong na inire-request ng mga LGU at ipinapamahagi sa mga benepisaryong nasiraan ng bahay dahil sa bagyo. Nagkakahalaga ito ng P10,000 para sa mga partially damaged na bahay, habang P30,000 naman ang para sa totally damaged. Ang mga benepisaryo ng nasabing ayuda ay base sa listahan ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ng DSWD ng ESA sa anim na target LGUs na nag-request nitong pinansyal na tulong.

#DSWDMayMalasakit