Bumisita kamakailan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Leyte Chapter sa mga residents ng Regional Haven for Women at Home for Girls ng DSWD Eastern Visayas bilang bahagi ng paggunita ng International Women’s Month.
Ayon sa IBP Leyte Chapter Incumbent President, Atty. Hasmin Cristy S. Avila-Bibar, “Maraming babae ang nagiging biktima ng mga di-kanais-nais na sitwasyon dahil hindi nila alam ang kanilang mga karapatan. Layunin natin na i-promote ang karapatan ng mga babae, at ma-highlight ang tungkuling ginagampanan ng kababaihan sa pag-unlad ng lipunan. Dahil kapag alam ng babae ang kanyang mga karapatan, nagiging empowered siya.”
Sa nasabing aktibidad, tinalakay ng IBP ang mga karapatan ng mga babae. Ipinakilala nila ang kanilang Gender and Development Committee, na naglalayong magpalaganap ng libreng kaalaman ukol sa mga karapatan at ang mga batas na nagpoprotekta sa mga babae. Sinagot din ng IBP ang iba’t-ibang legal na mga isyu ng mga residents.
Ang Regional Haven for Women at Home for Girls ay dalawa sa mga residential facilities ng DSWD kung saan kinukupkop ang mga babae na naging biktima ng pang-aabuso.
#DSWDMayMalasakit


