Nakikipag-ugnayan ang DSWD Eastern Visayas sa mga Local Government Units upang makakuha ng kritikal na impormasyon ukol sa epekto ng bagyong Agaton. Bahagi ito nga patuloy na pagmo-monitor at paghahanda ng ahensya laban sa bagyo.

Bilang kahandaan, may naka-imbak ng 22,736 na Family Food Packs (FFPs) ang ahensya. Nakaimbak ito sa mga warehouse sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Maaaring ipamahagi ang mga FFPs na ito ayon sa request ng mga LGU.

Sa pinakahuling ulat ngayong Abril 10, 7:30AM nag-landfall na ang bagyong Agaton sa Calicoan Island, Guiuan, Eastern Samar. Patuloy naman na minamanmanan ng DSWD ang galaw nitong bagyo.

Para sa dagdag na kaalaman ukol sa bagyong ito, maaring bumisita sa website ng PAGASA 👉https://www.pagasa.dost.gov.ph/weather/weather-advisory